
Isang pelikulang magpapakita ng isang espesyal na bahagi ng kulturang Pilipino ang mapapanood ngayong linggo sa digital channel na I Heart Movies.
Pagbibidahan ni Kapuso actor Rocco Nacino ang independent film na Balut Country. Gaganap siya rito bilang Jun, isang lalaking magmamana ng patuhan ng kaniyang ama.
Gustong ibenta ni Jun ang farm dahil malapit na itong malugi pero nagdadalawang isip din siya dahil ayaw niyang mawalan ng hanap-buhay ang mga trabahador ng kaniyang ama na matagal nang nagsisilbi rito.
Ano ang magiging desisyon ni Jun? Abangan 'yan sa Balut Country, May 25, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Panoorin din ang romantic comedy film na Because I Love You, tampok ang Kapuso stars na sina Shaira Diaz at David Licauco.
Kuwento ito ng isang lalaking galing sa isang marangyang pamilya na mahuhulog ang loob sa isang babaeng bombero. Sapat na ba ang pag-ibig o bound to go up in flames ang kanilang romance dahil sa kaibahan ng estado sa buhay?
Tunghayan ang Because I Love You, May 26, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.