
Good vibes ang hatid ng isang performance ng banda na in-upload sa Facebook kung saan makikita na pinapatugtog ang official theme song ng award-winning sitcom na Pepito Manaloto.
Ang theme song ng flagship comedy program ay written and performed ng lead star ng show na si Michael V.
Sa Facebook post ng Parada Pasayo Serenata, makikita ang mahusay na performance ng San Roque Band 96 Angat, Bulacan Inc. na talagang nakaka-LSS para sa maraming fans na sumusubaybay sa Pepito Manaloto.
Nagustuhan din ng isa sa cast member ng show na si Tony Lopena ang performance ng banda. Gumaganap si Tony bilang si Vincent na isa sa empleyado ni Pepito (Michael V.) sa PM Mineral Water.
Noong 15th anniversary special ng iconic sitcom, napanood naman ng lahat ang acoustic performance ni Direk Michael ng kanilang theme song na umani ng mahigit 300,000 likes sa TikTok.
@youlolgma Nakaka-LSS tuloy! #youlol #youlolgma #gmanetwork #gma #youloloriginals #moretawamoresaya #pepitomanalototuloyangkwento #pepitomanaloto #pepito #michaelV #officialsoundtrack #ost #fyp ♬ original sound - YoüLOL
Throwback: Off-cam bonding ng Pepito Manaloto actors