
Nagsimula na ang pinakamagandang laban sa bagong primetime series na Beauty Empire, na handog ng GMA, Viu, at CreaZion Studios.
Sa pilot episode pa lang ng serye na inilabas noong Lunes, July 7, pinag-usapan na ang banggaan ng mga karakter nina Barbie Forteza at Kyline Alcantara. Ginagampanan ni Barbie ang role ni Noreen Alfonso, isang rags-to-riches entrepreneur at self-made CEO ng Halina Beauty. Samantala, ginagampanan naman ni Kyline ang role bilang Shari De Jesus, ang viral trendsetter and most-followed beauty influencer.
Komento ng isang viewer, "Nandito na ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza at ang Primera Kontrabida na si Kyline Alcantara. Aabangan ko talaga 'to. Ang ganda ng story at sasakit na naman ang mga ulo natin kung sino ang pumatay kay Velma played by one and only Ruffa Gutierrez."
Sa nasabing episode, nagsimula na ang blame game matapos matagpuang walang buhay ang Velma Beauty CEO na si Velma Imperial, ginagampanan ni Ruffa Gutierrez. Ang person of interest? Ang mentee niyang si Shari.
Sa sumunod na eksena, nag-flashback ang pagkikita nina Noreen at Shari sa Seoul, South Korea. Dito iniabot ni Noreen ang serum and sunscreen samples niya kay Shari para ibigay nito sa kanyang mentor na si Velma.
Na-offend si Shari dahil may hidden inggit siya kay Velma. Noong una, walang interes si Shari sa product samples ni Noreen until sinubukan ito ng kanyang assistant na si Sylvester (Aron Maniego) at nagandahan ito sa produkto.
Nag-take advantage si Shari at ginamit ang formula ni Noreen. Pati ingredients at packaging ng brand ni Noreen, ninakaw ni Shari!
Nang nalaman ito ni Noreen, sinugod niya si Shari sa kanyang opisina.
Samantala, in-introduce din sa pilot episode ang pag-iimbestiga ni Noreen sa pagkamatay ng kanyang kapatid na si Helena (Gabby Padilla), na empleyado ni Velma.
Mapapanood ang Beauty Empire Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA Prime. May delayed telecast din ito sa GTV sa oras na 11:25 p.m. Maaari rin itong i-stream sa Viu.
Mula sa konsepto ng CreaZion Studios, ang Beauty Empire ay isang Viu Original series na mula sa produksyon ng GMA Public Affairs.
RELATED CONTENT: Barbie Forteza's beauty continues to blossom in these photos