
All-star cast ang maglalaro sa pagtatapos ng week-long Christmas special ng Family Feud.
Ngayong Biyernes, December 19, maglalaro ang cast ng dalawang pelikulang bahagi ng 2025 Metro Manila Film Festival (MMFF).
Sa Team Bar Boys maglalaro ang cast ng legal-themed film na Bar Boys: After School. Magsasama-sama ang Kapuso leading lady, singer and host na si Glaiza De Castro, Sparkle actor Bryce Eusebio, Kapuso hunk Royce Cabrera, at thespian na si Benedix Ramos.
PHOTO SOURCE: Family Feud
Para naman sa Team Origins mapapanood ang mga artistang bahagi ng Evil Origins mula sa horror film franchise na Shake, Rattle & Roll.
Ipakikita sa Family Feud stage ang husay nina Althea Ablan, Matt Lozano, kasama ang basketball enthusiast na si Russel Ablan at ang former national team member ng American football na si Coy Carriedo.
Abangan kung sino ang magwawagi sa exciting na Christmas episode ng Family Feud ngayong December 19, 5:40 p.m. sa GMA.
Subaybayan ang Family Feud Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000! Panoorin ito para malaman kung paano makakasali sa Guess More, Win More promo: