
Punong-puno ng kilig ang pilot episode ng Barangay Love Stories noong Sabado, September 12.
Pinagbidahan nina Shuvee Etrata at Anthony Constantino ang pilot episode, kung saan ipinakita ang kuwento ng office romance na itinuturing ng karamihan bilang isang bawal na pag-ibig.
Mainit ang naging pagtanggap ng viewers sa pilot episode at nagwagi sa ratings ang naturang programa.
Ayon sa Urban Phils People Ratings, nagtala ang TV adaptation ng No. 1 FM radio show at podcast ng 3.9% rating. Umabot naman sa 65.6% ang overnight audience share nito.
Nag-trending din ang pilot episode, pati sina Shuvee at Anthony, sa X (dating Twitter) at TikTok.
Abangan ang iba't ibang kuwento ng pag-ibig sa Barangay Love Stories tuwing Sabado, 4 p.m. sa GMA at Kapuso Stream.
Maraming salamat sa inyong suporta, mga Kapuso!
Panoorin ang full pilot episode dito:
RELATED GALLERY: Papa Dudut promises more heartfelt stories on 'Barangay Love Stories' TV adaptation