
Nakaka-relate ang award-winning actress na si Barbara Miguel sa heart touching story ng bagong episode ng Wish Ko Lang na "Paratang" kung saan tampok ang kuwento ng inang si Janet na pinaratangang suspek sa pagkamatay ng biyenan nito.
Magpapatuloy ngayong Sabado, September 9, ang ikalawang bahagi ng kuwento ni Janet (Ariella Arida), na nakulong matapos na paratangan ng kanyang bilas na si Tina (Sharmaine Suarez) at asawa nitong si Carlos (Richard Quan), na siya umanong pumatay sa biyenan nitong si Rene (Soliman Cruz).
Sa pagkakulong ni Janet, sapilitang inangkin nina Tina at Carlos ang lupaing ipinamana sa una ng pumanaw na biyenan nito. Ang anak naman ni Janet na si Grace, na ginagampanan ni Barbara Miguel, nagdesisyong manatili sa kanilang lupain sa kabila ng pagmamalupit ng kanyang tiyahing si Tina.
Ayon kay Barbara, nakaka-relate siya sa bagong episode ng Wish Ko Lang dahil tulad sa karakter nito ay tinutulungan niya rin noon ang kanyang pumanaw na lolo sa farming.
Nasabay rin ang pag-ere ng unang bahagi ng pinagbibidahang episode (September 2) sa death anniversary ng kanyang Lolo Rene, na kaparehong pangalan ng lolo niya sa kuwento.
"Nakaka-relate din ako kasi 'yung story po na kami ang nag-aalaga ng farm ng lolo ko rito. Ako po sa Davao nu'ng bata po ako, talagang tinutulungan ko po 'yung lolo ko sa farming.
"Tapos farm pa, talagang very close siya sa puso ko. Actually, ang unang nakabasa ng script is yung mom ko tapos sabi niya sa akin, 'Basahin mo 'yung script.' Tapos nung pagbasa ko sa script sabi ko, 'Oh my god, sobrang close to home talaga siya sa amin, especially, sa mama ko at sa akin din.' Nakaka-miss na maging farm girl ulit kasi nasanay na ako rito sa Manila and, of course, I also miss my family sa Davao," pagbabahagi ni Barbara sa naganap na Facebook Live nito sa Wish Ko Lang.
Dagdag pa ng aktres, "Actually, sobrang daming makaka-relate dito--lahat ng mga Filipino families, especially, sa lahat ng mga mothers diyan na talagang matatag para sa mga anak at family nila. Sobrang heart reaching po ng story na ito at nakakainis, nakakaiyak. Habang binabasa ko po 'yung script talagang nanggigigil ako talaga."
Ibinahagi rin ni Barbara na masaya siyang makatrabaho ang co-stars na sina Ariella Arida, Sharmaine Suarez, Richard Quan, Soliman Cruz, Vangie Castillo, at Arkin Da Silva.
Huwag palampasin ang ikalawang bahagi ng Wish Ko Lang: Paratang ngayong Sabado, September 9, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
SAMANTALA, TINGNAN ANG BEACH PHOTOS NI ARIELLA ARIDA SA GALLERY NA