
Excited na sina Barbie Forteza at Sharon Cuneta sa nalalapit na pagpapalabas ng kanilang first-ever project together na Honor Thy Mother.
Masayang dumalo sina Barbie at Sharon sa mediacon para sa kanilang serye na ginanap nitong Martes, September 8, sa Solaire North sa Quezon City.
Sa interview ng GMA News sa dalawang aktres na ipinalabas din sa Unang Hirit, ini-reveal nila kung anong klaseng mga eksena ang mapapanood ng fans at viewers sa Honor Thy Mother.
Ayon sa Kapuso actress na si Barbie, mabusisi ang pag-shoot sa bawat eksena nila.
“Very critical sila when it comes to our eyes, expressing our feelings through our eyes. There are some scenes na didn't need dialogues pero importante sa kanila na maintindihan mula sa mata namin,” sabi niya.
Pahayag naman ni Megastar, “It's the first time kasi that I'm playing the role of someone this strong na sa tingin mo sa una heartless and cold but actually parang opposite siya. It's quite the opposite paglabas ng mga back story.”
Abangan ang emotionally-packed na mga eksena nina Barbie at Sharon, at pati na rin ang iba pang kabilang sa cast nito.
Related gallery: 'Honor Thy Mother' actors, ipinakilala sa storycon
Ang serye ay bagong collab project ng GMA, ABS-CBN Studios, Dreamscape, at Prime Video na talaga namang dapat abangan ng mga manonood.
Magsisimula nang mapanood ang Honor Thy Mother sa darating na September 11, sa Prime Video.