
Ang upcoming series na Honor Thy Mother ang bagong proyektong pagkakaabalahan ng Kapuso actress na si Barbie Forteza.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Barbie sa story conference para sa serye, inilarawan at inilahad niya kung ano ang first impression niya sa co-lead star niya rito na si Sharon Cuneta.
Related Ggallery: Honor Thy Mother actors, ipinakilala sa storycon
Pahayag at paglalarawan niya tungkol sa tinaguriang Megastar, “Honestly, we haven't started taping yet… pero kahit dalawang beses pa lang kaming nagkasama nang matagal, naramdaman ko na agad 'yung warmth niya bilang isang tao. Napakalaking bagay nun considering na siya ang ating Megastar.”
“Napakahalaga sa akin 'yung fact na taong-tao siya sa lahat, mula sa pinakamababang posisyon hanggang sa pinakamataas. Taong-tao ang ating Megastar,” dagdag niya.
Ayon pa kay Barbie, ipinagmamalaki niya na tama ang desisyon niyang pumasok sa showbiz na ayon sa kanya ay isa si Sharon sa inspirasyon niya sa kanyang career.
“I'm very proud kasi sabi nila 'di ba never meet your heroes kasi a lot of times you'll be very disappointed pero ako, she just keeps proving that I've made the right decision to be here, to join showbiz because of her. I can't wait to learn from her,” pagbabahagi niya.
Ang Honor Thy Mother ay ang bagong collab series ng GMA at ABS-CBN kasama ang Prime Video.
Makakasama rin nina Barbie at Sharon sa pagbuo ng serye ang mga aktor na sina Khalil Ramos, John Estrada, Mercedes Cabral, Tonton Gutierrez, at RK Bagatsing.
Abangan ang iba pang detalye tungkol sa bagong collab series na ito.