
Pinangaralan ang phenomenal love team nina Barbie Forteza at David Licauco ng 25th Gawad Pasado na inorganisa ng Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro (PASADO).
Kinilala bilang "Pinakapasadong Dangal ng Kabataan" ang tambalang kilalang bilang BarDa sa 25th Gawad Pasado awards night na ginanap noong Sabado, September 23, sa National Teachers College sa Maynila.
Samantala, wagi naman si Barbie bilang 'Pinakapasadong Aktres sa Telebisyon' para sa kanyang pagganap bilang Klay sa hit historical portal series na Maria Clara at Ibarra na kinilala rin bilang 'Pinakapasadong Teleserye.'
Ibinahagi naman ng aktres sa Instagram ang kanyang pasasalamat sa Gawad Pasado para sa nasabing parangal.
Wka ni Barbie, "Napakasaya ng puso ni Klay. Maraming salamat pong muli, Gawad Pasado sa mga pagkilalang ito at sa Maria Clara at Ibarra."
Hindi man nakadalo sa awarding ceremony ng 25th Gawad Pasado, nagbigay naman si David ng video message bilang pasasalamat sa pagkilalang natanggap.
Ika ng Pambansang Ginoo, "Maraming, maraming salamat sa 25th Gawad Pasado awards bilang pagkilala sa akin bilang Pinakapasadong Dangal ng Kabataan 2022. And on behalf of Maria Clara at Ibarra cast and crew, taos-puso naming tinatanggap ang pagkilala sa aming show bilang Pinakapasadong Teleserye for 2022. Maraming, maraming salamat guys, and I wish I can really be with you, guys, and take care."
Kasalukuyang napapanood sina Barbie at David sa TV adaptation ng iconic 1991 film na Maging Sino Ka Man.
Ginagampanan nila ang role bilang Monique at Carding, na orihinal na binigyang-buhay nina Megastar Sharon Cuneta at action star-turned-politician Robin Padilla.
Ipinapalabas ang Maging Sino Ka Man weeknights, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
SILIPIN ANG KILIG PHOTOS NG BARDA SA MAGING SINO KA MAN: