GMA Logo barbie forteza and david licauco
What's on TV

Barbie Forteza at David Licauco's new series excites fans

By Jansen Ramos
Published July 4, 2023 11:36 AM PHT
Updated September 5, 2023 5:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Scared? Spill!' with Sanya Lopez and Jon Lucas
Senators eye higher pay for barangay officials, workers
Take a look at the holiday schedule of Intramuros sites

Article Inside Page


Showbiz News

barbie forteza and david licauco


Bibida ang phenomenal love team na sina Barbie Forteza at David Licauco sa TV adaptation ng 1991 film na 'Maging Sino Ka Man.'

Muling magsasama ang phenomenal love team na sina Barbie Forteza at David Licauco sa isang teleserye matapos ang hit primetime series nilang Maria Clara at Ibarra, kung saan lubos na nakilala ang kanilang tambalan.

Kahapon, July 3, nagkaroon ng look test sina Barbie at David, o kilala sa kanilang fandom names na FiLay at BarDa, para sa bago nilang project na TV adaptation ng 1991 film na Maging Sino Ka Man.

Ipinasilip ng talent management nilang Sparkle sa Instagram ang video mula sa kanilang look test na labis na nagpakilig sa kanilang fans.

"#BarDa ayuda What a great start to the week ️

"We can't help but swoon over Barbie Forteza and David Licauco during their look test for the upcoming series 'Maging Sino Ka Man' ," sulat sa caption.

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)

Komento ng Instagram user na may handle na @ronalyndiaz36, "Omggggggggh! Hahahaha! Yung pagod ka galing Sa trabaho tapos ito mabubuklat mo haha! Ayyy tanggal Ang pagod mga besss! Haha!"

Nakaka-good vibes daw ang good news na ito, ayon sa BarDa fan na si @cicispr1n9.

Awww grabeee!!! Nakakainspired talaga ang BarDa, I'm kinda upset today! But just seeing them brighten up my mood Feeling inlove again!," komento niya.

Ipinahayag naman ng ilang fans ang kanilang excitement na makitang muli ang kanilang mga iniidolo sa screen.

Ang Maging SIno Ka Man ay pelikulang pinagbidahan nina Sharon Cuneta at Robin Padilla na gumanap bilang Monique at Carding. Mula ito sa direksyon ni Eddie Rodriguez at sa panulat ni Emmanuel Borlaza, kasama si Rodriguez.

Bago pa mag-taping ang BarDa para sa bago nilang serye, nagsimula na rin silang mag-shoot para sa upcoming romantic-comedy film nilang That Kind of Love na ipalalabas din sa ibang bansa.

NARITO ANG IBA PANG KILIG PHOTOS NINA BARBIE AT DAVID: