
Balik-bansa na sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio after ng kanilang shooting sa upcoming movie nilang Almost A Love Story sa Italy.
Kuwento ni Barbie, magaan katrabaho ang team na nakasama nila sa shoot. Aniya, "Malamig, sobrang lamig [sa Italy]. Pero nakakatuwa kasi lahat kami game sa lahat ng bagay. So, walang mahirap katrabaho."
Dagdag naman ni Derrick, "Hindi siya parang work, para siyang vacation. And kasi 'yung mga kasama po namin magagaan katrabaho, and lahat po talaga parang ka-age lang namin."
Karamihan sa mga na-shoot nilang eksena ay sa Salento, Italy. Ani Barbie, "Parang nandun kami sa medyo provincial type ng Italy, which is very very nice. And sobrang babait ng mga tao." Ika naman ni Derrick, "Sobrang ganda, kasi may mga open fields, hindi siya mga infrastructure na matataas."
Isa rin sa ikinatuwa nila ay ang nativity scene. Saad ni Barbie, "First time ko nga lang po makakita ng ganun, na 'yung mga characters kamukhang kamukha ni Mary at Joseph. And 'yun masaya, kasi iba 'yung ambiance 'pag nandun ka talaga."
Sa kanilang pagbabalik, na-confirm din ng 24 Oras na dito magpa-Pasko ang dalawa. Dahil talaga naman daw "wala pa ring tatalo sa Pasko ng Pinas."
Panoorin ang buong report ni Lhar Santiago sa 24 Oras:
Video courtesy of GMA News