
Hindi nagpahuli sina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at Kapamilya leading man Enchong Dee sa nauusong "Big Guy" trend.
Batid kaagad ang chemistry nila sa maikling video na ibinahagi ni Barbie sa kanyang TikTok account.
Suot ang kanyang little black dress, makikita si Barbie na umiindak sa kantang "Big Guy" ng American rapper na si Ice Spice.
Sa likod niya, nagfe-flex naman si Enchong ng kanyang mga braso.
Mayamaya, nagpalit naman ang dalawa at si Enchong ang sumayaw habang si Barbie naman ang nag-flex ng kanyang mga braso.
"Finally found someone to do this trend with 🫶🏻 @Enchong Dee," sulat ng aktres sa caption ng kanyang post.
@barbieforteza8doneyet finally found someone to do this trend with 🫶🏻 @Enchong Dee ♬ original sound - GMA Network
Nakatakdang magtambal sina Barbie at Enchong for the first time sa upcoming Netflix Philippines Original na Paskong Pinoy, isang four-episode anthology series mula sa direktor na si Mark Reyes.
Bibida sila sa episode na pinamagatang "The Perfect Christmas" na tungkol sa isang workaholic na susubukang baguhin ang mga ideya niya tungkol sa success at love habang holiday rush.
Source: netflixph (IG)
Bahagi rin ng anthology series ang cast ng iconic youth-oriented series na TGIS na nag-reunite para sa episode na pinamagatang "The Last New Year in Boracay."
Isa lang ang Paskong Pinoy sa limang originals ng Netflix Philippines para sa 2026.
Mapapanood din sa streaming giant ngayong taon ang dystopian action series na BuyBust: The Undesirables starring Anne Curtis; young adult romance na 18th Rose nina Xyriel Manabat at Kyle Echarri; family drama na Ganito, Ganyan, Ganoon na pagbibidahan ni Jodi Sta. Maria; at atmospheric horror-mystery series na Balaraw kasama sina Janine Gutierrez, Agot Isidro, at Charlie Dizon.