GMA Logo Barbie Forteza and Jak Roberto
Image Source: barbaraforteza (Instagram)
What's Hot

Barbie Forteza at Jak Roberto, may plano na nga bang magpakasal?

Published December 9, 2022 5:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BI reminds foreigners to show up for 2026 Annual Report
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza and Jak Roberto


Totoo bang nagpapagawa na ng bahay si Jak Roberto para sa kanila ng girlfriend na si Barbie Forteza?

Ang viral Kapuso couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto ang latest guests ni GMA News entertainment correspondent Nelson Canlas sa podcast niyang Updated with Nelson Canlas na ini-release noong December 8 sa Spotify.

Dito ay pinag-usapan nila ang hobby ni Jak na pagmomotorsiklo, ang success ng Maria Clara at Ibarra kung saan bida si Barbie, at maging ang kanilang future plans.

Sa podcast, hindi naiwasang matanong ni Nelson kung napag-uusapan na nga ba nina Jak at Barbie ang kasal ngayong nasa tamang edad na sila at limang taon nang magkasintahan.

Sagot ni Barbie, "Napagkukuwentuhan, pero wala pang like malinaw na plano. Napaguusapan..."

Sabay dugtong ni Jak, "Magugulat ka na lang."

Paliwanag ni Barbie, hindi naman sila nagmamadali ni Jak lalo pa at masaya sila sa kani-kanilang career.

Bahagi ng aktres, "Napag-uusapan namin pero wala pang malinaw na plano dahil alam naman namin parehas na hindi naman kailangan pa dahil hindi naman nagmamadali. Ngayon, parehas kaming happy sa kaniya-kaniya naming karera. So siyempre kapag nag-settle down kami, gusto sana namin settled na rin 'yung aming mga personal affairs. 'Yung aming financial stability dapat intact."

Dito ay inusisa rin ang pagpapagawa ng bahay ni Jak.

Ito na nga ba ang future home nila ni Barbie?

Ani Jak, "'Yun nga tanong ko sa kaniya e."

Muling paliwanag ng girlfriend niya, "Kailangan tantsahin natin lahat. 'Wag, ano, maging impulsive sa pagdedesisyon. Kasi secured naman kami sa kung ano kami ngayon, kung nasaan level 'yong relationship namin, secured naman na kami."

Diin pa ni Barbie, "Hindi namin kailangan i-pressure 'yung mga sarili namin into marriage and 'yung talagang titira sa kaniya kasi nga may kaniya-kaniya pa kaming kailangang i-settle."

Ang pinupunto ni Barbie, marami pa silang gustong gawin ni Jak sa buhay individually.

Bahagi niya, "Parehas pa kaming very happy sa aming mga careers and gusto pa namin siya talaga i-maximize as much as we can. So before settling down siyempre gusto muna namin ma-accomplish and ma-achieve lahat ng kaya namin ma-achieve."

Pakinggan ang buong panayam ni Nelson kina Barbie at Jak dito:

TINGNAN SA GALLERY NA ITO ANG ILANG KILIG PHOTOS NG JAKBIE: