GMA Logo barbie forteza and jameson blake
Photo source: barbaraforteza (IG), jmsnblake (IG)
Celebrity Life

Barbie Forteza at Jameson Blake, nagpakilig sa netizens

By Karen Juliane Crucillo
Published May 13, 2025 1:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Two people killed in Brown University shooting —mayor
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

barbie forteza and jameson blake


Basahin dito ang reaksyon ng netizens sa hatid na kilig nina Barbie Forteza at Jameson Blake.

Pinag-usapan ng mga netizens ang pagsasama nina Barbie Forteza at Jameson Blake sa Lights, Camera, Run! Takbo Para sa Pelikulang Pilipino, na pinangunahan ni Asia's Multimedia Star Alden Richards.

Noong Linggo, May 11, nakilahok sina Barbie at Jameson sa iba pang Kapuso at Kapamilya celebrities na tumakbo para sa Mowelfund sa Mall of Asia Concert Grounds, Pasay City.

Hindi man opisyal na love team, pero umapaw na agad ang kilig mula kina Barbie at Jameson sa social media.

Sa Instagram Stories ni Barbie, ibinahagi nito ang kaniyang selfie kasama si Jameson na may caption na "SOOOO proud of you @jmsnblake first run 16k ! Job well done! Super appreciate you for running with me."

Nagbahagi din ng mga fun run photos si Jameson sa kaniyang Instagram at kasama sa isang larawan ang selfie nila ni Barbie.

"Survived my first 16K Run. From one event to another, plus sore muscles. But great company and a great cause made it all worth it," isinulat ng Kapamilya actor.

A post shared by Jameson Blake (@jmsnblake)

Sa comments section, hindi napigilan ng mga netizens na mapansin ang magandang chemistry nina Barbie at Jameson.

Narito ang reaksyon ng mga netizens kina Barbie at Jameson:

Kasama din nina Barbie at Jameson tumakbo ang kaibigan nilang si Kristoffer Martin.

Ito ang unang pagsasama ni Barbie at Jameson sa isang fun run. Nagkatrabaho na ang dalawang aktor kasama si Eugene Domingo sa kanilang upcoming Netflix movie na Kontrabida Academy.

Kasalukuyan namang nasa South Korea ang Kapuso Primetime Princess kasama si Kyline Alcantara para sa taping ng kanilang upcoming series na Beauty Empire.

Samantala, tingnan dito ang unexpected Kapuso love teams na nag-click: