GMA Logo Barbie Forteza and Kim Chiu collaboration
Screenshot from Kim Chiu's vlog
What's Hot

Barbie Forteza at Kim Chiu, nagsama sa isang vlog

By Aimee Anoc
Published April 1, 2024 7:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal lost with jet carrying Libyan army chief over Ankara, Turkey says
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza and Kim Chiu collaboration


Kumasa si Barbie Forteza sa challenges na inihanda ni Kim Chiu sa kanyang latest vlog. Panoorin ang nakatutuwang collaboration ng dalawang aktres rito.

Good vibes ang hatid ng collaboration nina Pulang Araw actress Barbie Forteza at It's Showtime host Kim Chiu sa latest vlog ng huli na "This or That & Never Have I Ever."

Sa 29-minute na vlog, sumalang si Barbie sa tatlong challenges--ang "This or That," "Never Have I Ever," at "Celebrity Challenge" kung saan ginaya nina Barbie at Kim ang iconic lines ng ilang sikat na artista.

Sa "This or That," ni-reveal ni Barbie na mas na-e-enjoy niya ang paggawa ng teleserye.

"Mas nasanay ako sa teleserye kasi wala akong masyadong movies. Hindi ako masyadong nasanay sa disiplina ng paggawa ng pelikula. Kaysa kapag teleserye, mas sanay ako na 30 sequences a day tapos mabilisang shoot lang. Kapag pelikula kasi kaunti lang 'yung eksena pero paulit-ulit kasi maraming anggulo," paliwanag ni Barbie.

Pareho namang sumang-ayon sina Barbie at Kim sa "Never Have I Ever" na tumanggi sa isang project or role.

"Siguro ano lang, kapag hindi lang appropriate 'yung material. 'Yung parang siguro, hindi ko pa 'to gagawin at this moment," sabi ni Barbie kung sakaling tatanggi sa isang role.

"Ako kapag hindi na kaya ng schedule," dagdag naman ni Kim.

Sa comment section ng vlog ni Kim, maraming netizens ang tuwang-tuwa sa "kalog" na collaboration nina Barbie at Kim.

"Dalawang hyper and super energetic na Inday," sabi ng netizen na si @leonilarosco8318.

"Grabe pala talaga 'pag nagsama sila parang may fireworks kasi dami tawa. Palakpak lagi tapos lakas tawa, lakas boses. Ako naubos energy ko sa kanila. Ang saya nila panoorin," komento ni @shielamarieobra7378.

"Basta Barbie and Kim kalog talaga. Nakakatuwa, parang bff na po kayo," dagdag ni @user-mf3uc1yg1b.

Panoorin ang collaboration nina Barbie at Kim sa vlog na ito:

SAMANTALA, TINGNAN ANG SEXY PHOTOS NI KIM CHIU SA GALLERY NA ITO: