
Isang witty caption na "where it all Vigan" ang naka-post sa nakakakilig na photos ni Valeen Montenegro at kanyang non-showbiz beau.
Ayon sa interview ni Valeen noong November 2016 sa Tunay na Buhay ay seven years na silang magkarelasyon ng kanyang Fil-Spanish boyfriend na si Selu Lozano. Nailahad rin noon na magkapitbahay ang dalawa at si Selu ay isang strength and conditioning coach at football trainer sa mga bata.
WATCH: Valeen, nagkuwento tungkol sa kanyang longtime boyfriend for the first time
Hindi naman napigilang punahin ng Sunday PinaSaya co-hosts ni Valeen ang kanilang nakakakilig na photos.
Unang pinansin ni Barbie Forteza ang caption ni Valeen.
Si Lovely Abella naman ay sinabing magkamukha na sina Valeen at Selu.