What's Hot

Barbie Forteza, bakit extra confident sa kanyang TikTok videos?

By Jimboy Napoles
Published October 21, 2021 1:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PITX logs 180k passengers bound for provinces ahead of Christmas
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust
Marco Masa attends movie premiere with his Kuya Justin

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza Sexy Looks


Kapansin-pansin ngayon ang 'sexy vibes' ni Barbie Forteza sa kaniyang mga TikTok videos at Instagram posts. Ang kaniyang sikreto, inamin niya sa 'Unang Hirit!' Alamin DITO:

Mayroon nang 5.9 million followers at 27 million likes ang TikTok account ng Kapuso star na si Barbie Forteza. Sa katunayan, ang kaniyang mga dance cover ay patok na patok sa kaniyang mga fans.

Sa morning chikahan sa Unang Hirit ngayong Huwebes, October 21, game na sinagot ni Barbie kung bakit tila blooming siya at may pagka "sexy" ang aura.

"Well hindi ko naman po intention 'yun, nagkakataon lang kasi na kapag sinisipag ako (mag-dance cover) usually bago ako mag-work out." kuwento niya.

Dagdag pa ng Kapuso actress, extra confident daw kasi siya ngayon kaya mas napapahataw siya sa kaniyang mga TikTok dance videos.

"Sexy? hindi po ako sure. Kasi 'di ba may kaniya-kaniya naman tayong paniniwala sa 'sexy' pero ako kasi parang specially these past few days, parang for some reason may something sa aura ko na parang feeling ko, extra confident ako," paglilinaw ni Barbie.

Mapapanood ngayong Linggo si Barbie sa Regal Studio Presents: My Birthday Wish, 4:35 p.m. pagkatapos ng Dear Uge.

Samantala, silipin naman sa gallery na ito ang ilang iconic teleserye characters ni Barbie Forteza: