
Muling mapapanood ang isa sa pinaka kontrobersiyal na kuwentong itinanghal ng real life drama anthology na Magpakailanman o #MPK.
Ito ang istorya ni Bonita Baran, isang kasambahay na lubos na pinagmalupitan ng kanyang mga amo. Dahil sa sobrang pananakit, nabulag na si Bonita.
Si Barbie Forteza ang gaganap bilang Bonita at iniimbitahan niya ang mga Kapuso na muling tunghayan ang episode.
Narito ang teaser para sa episode.
Huwag palampasin ang 'Ang Pagmulat ng Binulag na Kasambahay: The Bonita Baran Story' sa #MPK, ngayong April 4, 8:50 pm sa GMA.