
Masaya ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza sa kanilang upcoming historical drama series na Pulang Araw. Ngunit kahit masaya siya at kaniyang mga co-star sa set, aminado ang aktres na challenging pa rin ang ginagawa nilang serye.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, sinabi ni Barbie na kahit mabigat ang kuwento ng kanilang serye, masaya pa rin ang bawat taping dahil magkakaibigan sila ng mga co-stars niya.
“Ang kulit, si Alden (Richards) ang kulit, si Direk Doms (Dominic Zapata), sobrang kulit pero ang galing din kasi pagka nasa set na kami, 'pag gagawin na namin 'yung eksena, alam ng bawat isa 'yung gagawin,” sabi niya.
Dagdag pa ng aktres, “Kung baga ganun 'yung parang rapport namin sa set, ganun 'yung working environment namin, so ang saya kasi nakakapagbiruan kami, nakakapagkulitan kami sa isa't isa, pero lahat kami, alam namin kung anong gagawin namin.”
Ngunit ayon kay Barbie, ang magiging pinaka-chellenging para sa kaniya sa paggawa ng serye ay ang emotional continuity.
Paliwanag ng aktres, “Unfortunately, hindi kami mabibigyan ng chance to shoot it chronologically. So may mga times na babalik kami sa pilot, may mga times na magja-jump to week 5 kami, ganiyan.”
“So 'yung emotional continuity, I feel like 'yun 'yung magiging challenge for me,” pagpapatuloy nito.
BALIKAN ANG IBA'T IBANG TELESERYE NI BARBIE SA GALLERY NA ITO:
Bukod sa taping para sa Pulang Araw, abala rin si Barbie, kasama ang co-star niyang si David Licauco para sa nalalapit na Sparkle Goes to Canada tour nila, kasama ang iba pang artists na sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Bianca Umali, at Ruru Madrid.
Ayon sa aktres, isa sa mga preparasyon na ginagawa niya ngayon para sa nalalapit na international tour ay pagpapalakas ng loob.
“'Yung diet, wala naman pong kailangan baguhin kasi kailangan natin ng energy kasi mangagaling po kami sa taping. Siyempre pagsasabayin po natin ang napakalaking serye na Pulang Araw, tapos isasabay po natin ang first-ever international show ng Sparkle sa Canada, kaya kailangan talaga ng maraming energy,” sabi niya sa naganap na media conference para sa tour nitong March 12.
Bukod sa energy, hiniling din ni Barbie na sana ay magkaroon pa sila ng mas maraming oras para mag-rehearse para sa kanilang Sparkle tour sa Canada.