GMA Logo barbie forteza and charlie flemming
Photo by: It's Showtime
What's on TV

Barbie Forteza, Charlie Fleming, 'rejected' ng 'Escort of Appeals' contestant

By Kristine Kang
Published July 11, 2025 12:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Physical: Asia star Robyn Brown wins silver, Olympian Lauren Hoffman takes bronze in SEA Games 400m hurdles
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

barbie forteza and charlie flemming


"Nananabla ng magaganda," hirit ni Vice Ganda sa "Escort of Appeals" contestant.

Isa na namang "sayang!" moment ang naganap sa fun noontime program na It's Showtime!

Sa July 10 episode ng programa, nagbanggaan muli ang mga lalaking may lakas ng loob at paninindigan sa sarili sa segment na "Escort of Appeals."

Isa sa mga kandidato na si Mamerto Salmorin, tila habulin ng beauties! Palibhasa, "crush" daw siya ni Beauty Empire actress Barbie Forteza.

"Gusto ka ni Barbie. Kaya lang taken ka na pala," hirit ni Vhong Navarro.

"Ang asa kahit baliktarin mo, asa pa rin," banter ni Mamerto na kinaaliwan ng madlang people.

"Ang asa kahit baliktarin mo, asa pa rin. Bakit ka namemersonal!" patawang reaksyon ni Barbie.

Sa kanilang kulitan, sinubukan din ng mga host ang kandidato kung si Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate Charlie Fleming naman ang may gusto sa kanya.

"Mamerto, kahit kapangalan mo lolo ko mahal kita... Ako na lang," biro ni Charlie.

"Papampam yarn," sagot ni Mamerto na ikinagulat ng PBB alumna.

Natatawang reaksyion ni Vice Ganda, "Nananabla ng magaganda."

Pero humanga naman ang Unkabogable Star sa paninindigan ng kandidato.

"Klaro sa utak niya kung sino at ano ang gusto niya. 'Di siya 'yung nagpapaasa o nananakit pa," komento ni Vice.

Dagdag naman ni Mamerto, mahirap din si Charlie na mapadaan sa kanilang barangay sa Poblacion, Muntinlupa.

Hirit ni Vice, "Mabubugbog ng mga babae kasi may standard ng beauty doon e baka hindi [pasado si Charlie]."

Game na game naman sumakay ulit si Charlie sa kanilang kulitan.

"Hindi ba ko pasok doon? Hindi ba ko maganda para sa iyo?" dramang reaksyon ng Kapuso star.

"Alam mo, pinanalo na kita! 'Di ba, pinanalo kita? Ako [ang] kuya mo!" biro naman ni Mamerto, na may pagtukoy sa kilalang "kuya" sa Pinoy Big Brother.

Sa huli, nanalo si Mamerto sa kanilang tapatan ni Burog Vios mula sa Brgy. San Isidro, Montalban, Rizal.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Samantala, balikan ang kulitan nina Barbie Forteza at Charlie Fleming, dito: