GMA Logo Barbie Forteza, David Licauco, That Kind of Love
What's Hot

Barbie Forteza, David Licauco appreciate their fans' efforts for 'That Kind of Love' movie

By EJ Chua
Published July 13, 2024 2:39 PM PHT
Updated July 14, 2024 1:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gasoline prices up by P1.20 on Tuesday, Dec. 9, 2025
Michelle Dee elevates casual outfit with designer bag
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza, David Licauco, That Kind of Love


May sorpresa ang Team BarDa sa viewers ng 'That Kind of Love.' Ano kaya ito? Alamin dito.

Showing na sa mga sinehan ang first movie together nina Barbie Forteza at David Licauco na That Kind of Love.

Sa "Chika Minute" report sa 24 Oras nitong July 12, inilahad ng Team BarDa kung gaano sila kasaya sa suportang natatanggap nila mula sa kanilang fans at iba pang manonood.

Pahayag ni Barbie, “Karamihan sa kanila after work dumiretso na sa mga sinehan to watch That Kind of Love.

“Kami po ni David [Licauco] ay lubos na nagpapasalamat,” dagdag pa ng Kapuso actress.

Sabi naman ni David, “We are super happy.”

Bilang pasasalamat sa effort at suporta ng kanilang fans at sa mga talaga namang nag-abang sa kanilang pelikula, may pa-surprise visit ang Team BarDa sa ilang mga sinehan.

Ngayong weekend, manggugulat sina Barbie at David sa mga manonood ng That Kind of Love.

Samantala, narito ang positive comments at reactions ng viewers tungkol sa Team BarDa at sa pelikula:

Una nang naging magkatrabaho sina Barbie at David sa ilang palabas.

Kabilang sa mga ito ang Heartful Cafe, Mano Po Legacy: The Family Fortune, Maria Clara at Ibarra, at Maging Sino Ka Man.

Bukod sa mga ito, mapapanood din sina Barbie at David sa upcoming GMA series na Pulang Araw ngayong 2024.

Related Gallery: BarDa photos sa 'Maging Sino Ka Man' storycon, kinakiligan!