
Muling makakasama on-screen ng "Pambansang Ginoo" na si David Licauco ang other half ng BarDa na si Barbie Forteza sa pamamagitan ng GMA, Viu, and CreaZion Studios drama series na Beauty Empire.
Naimbitahan si David na mag-guest sa inaabangang serye sa gabi para mas mapaganda pa raw ang plot twist dito.
Ayon sa ulat ni Nelson Canlas sa 24 Oras noong Miyerkules, July 23, handog daw nila ito sa abangers na BarDa-shippers na siguradong maglalayag dahil sa panibagong sorpresa sa lalong gumagandang istorya ng Beauty Empire.
Para kay Barbie, swak sa kwento ng soap opera ang pagpasok ni David. Aniya, "Napag-usapan na naman 'to, siyempre. Actually, matagal na dapat siya pumasok pero okay din na ngayon siya pumasok kasi bumibigat na rin yung mga eksena namin so perfect timing din talaga."
Ayon naman kay David, ni-look forward niya na makasama muli si Barbie sa isang project. Ika niya, "It's been seven months since I last acted which makes me excited, actually. Obviously, I'm working with Barbie again."
Panoorin ang 24 Oras video:
Huling nagkasama sina Barbie at David sa family drama na Pulang Araw na ipinalabas noong 2024. Nabuo ang kanilang tambalan, na binansagang "BarDa", sa iconic historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra (2022).
Abangan si David sa Beauty Empire na mapapanood Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA at 11:25 p.m. sa GTV. Mapapanood din ito sa streaming platform na Viu.
Related content: David Licauco and Barbie Forteza's kilig photos are here to steal your heart