Article Inside Page
Showbiz News
Barbie got her wish. What about her wish for Derrick?
By AL KENDRICK NOGUERA
Magkasunod ang birthday ng
The Half Sisters love team na sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio. Kahapon lang nag-celebrate ng kanyang 17th birthday ang teen actress at ngayong araw naman ang 18th birthday ni Derrick.
Nangyari nga ang plano ni Barbie na i-celebrate ang kaarawan niya kasama ang kanyang co-stars dati sa youth-oriented show na
Tween Hearts.
Noong binisita ng
GMANetwork.com si Barbie sa taping ng
The Half Sisters last week, sinabi niya na gusto niyang magkaroon ng overnight party kasama ang kanyang barkada.
Ang tinutukoy ni Barbie ay ang GMA Tweens na sina Joyce Ching, Kristoffer Martin, Bea Binene, Jake Vargas, Louise delos Reyes at Hiro Peralta. Siyempre, hindi mawawala ang kanyang ka-love team na si Derrick sa party na sinalubong din ang kaarawan kagabi.
Nag-post si Barbie sa kanyang Instagram ng picture nila ni Derrick with this caption: “Happy birthday, looveteamuh! So happy for you!”
Nag-share na si Barbie ng kanyang birthday wish. Ito raw ay ang magkaroon ng
Tween Hearts Season 2.
Nagbigay rin siya ng birthday wish para kay Derrick: “Wish ko para sa kanya, sana [ay] magka-girlfriend na siya. Sana naman.”