
Isa ang multi-awarded actress na si Nora Aunor sa pinaka-hindi malilimutang nakatrabaho ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com para sa Kapuso Profiles, binalikan ni Barbie ang ilang sa hindi niya malilimutang eksena kasama si Nora sa indie film na Tuos noong 2016, kung saan gumanap silang mag-lola.
Photo source: @tuos_film
"Noong nag-shoot kami ng 'Tuos' sa bundok sa Iloilo. Mayroon kaming eksena roon na kailangan ko s'yang ilikas from our house. Kailangan namin s'yang ibaybay to the city kasi may sakit na s'ya. Kailangan namin s'yang dalhin sa ospital," kuwento ni Barbie.
Pagpapatuloy niya, "Tapos medyo mabigat 'yung eksena. Parang ang eksena nun ay iiyak tapos for some reason ito 'yung camera, tapos hindi ko sinasadya on cue na tumulo 'yung luha ko, maganda 'yung shot. E may nangyaring something, so another... nagalit na nga 'yung direktor kasi ang ganda sana nung eksena, may something lang na nangyari, hindi ko alam kung ano. So kailangang ulitin.
"Tapos nanalig kaming lahat na sana magawa ko ulit 'yun. Ako pa naman kapag umiiyak talagang mukhasim talaga. So kailangan ganu'n na tulala ka lang like dala mo lahat 'yung struggles ng lola mo, si Ms. Nora Aunor, tapos 'yung hirap n'yo. Kailangan mo ulitin na ito lang ulit (lumuluha lang ang isang mata). Nagawa ko s'ya.
"Tapos sabi ni Ms. Nora, casual na casual, 'Buti na lang ikaw rito no,' 'yung ganu'n. 'Buti na lang ikaw ang apo ko rito.' Tapos after nun nu'ng nag-rest day kami, nagluto s'ya ng Bicol Express," natatawang pag-alaala ng aktres.
Dagdag na biro pa ni Barbie, "Actually sana mapalagay sa Netflix 'yung 'Tuos,' magandang pelikula 'yun."
Samantala, naghahanda ngayon si Barbie para sa bagong bigating serye na pgabibidahan sa GMA, ang historical-action drama na Pulang Araw, kung saan makakasama niya ang on-screen partner na si David Licauco, maging sina Sanya Lopez at Asia's Multimedia Star Alden Richards.
BALIKAN ANG ILAN SA RELATABLE CHARACTERS NI BARBIE FORTEZA SA GALLERY NA ITO: