What's on TV

Barbie Forteza, dream come true na makasama sina Julie Anne San Jose at Dennis Trillo sa isang proyekto

By Aaron Brennt Eusebio
Published September 24, 2022 11:11 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Gasoline prices up by P1.20 on Tuesday, Dec. 9, 2025
Michelle Dee elevates casual outfit with designer bag
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza in Maria Clara at Ibarra


Mapapanood na ang 'Maria Clara at Ibarra' simula October 3 sa GMA Telebabad pagkatapos ng '24 Oras.'

Natupad na ang isa sa mga pangarap ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza na makatrabaho ang kaniyang matalik na kaibigan na si Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose at ang kaniyang crush na si Kapuso Drama King Dennis Trillo.

Magkakasama kasi ang tatlo sa upcoming historical portal fantasy series ng GMA Telebabad na Maria Clara at Ibarra na mapapanood na simula October 3.

Kuwento ni Barbie, nakatulong ang pagkakaibigan nila ni Julie Anne nang magkaroon ng lock-in taping ang Maria Clara at Ibarra.

"Malaking bagay talaga na mayroon akong kaibigan, matagal nang kaibigan na katrabaho sa set kasi iba rin naman talaga 'yung pakiramdam na homesick ka, 'yung isang buwang kang nasa lock-in," pag-amin ni Barbie sa panayam ni Nelson Canlas sa 24 Oras.

"Siyempre, iba pa rin talaga makatrabaho ang idol mo, si Mr. Dennis Trillo, considering na he's the Kapuso Drama King, he's very humble, he's very professional."

Hindi naging madali ang pinagdaanan nina Barbie, Dennis, at Julie nang kunan nila ang mga eksena ng Maria Clara at Ibarra dahil bawat galaw nila ay naayon dapat kung paano kumilos ang mga tao noon.

Kuwento ni Barbie, "Talagang mabusisi, and very metikuloso sila. We even have a historian na consultant namin kasi siyempre, hindi naman 'to basta ganito lang, lahat 'to pinag-aralan."

''Yung tupi nitong panwelo, aral 'yan. Ang gamit ng pamaypay sa pag-converse, kasi 'di ba ang mga babae dati mahinhin lang, 'di ba?"

Bukod sa pagiging metikuloso sa kanilang galaw, hindi rin nakatulong ang iba't ibang kalamidad na naranasan nila habang nasa lock-in taping.

Dagdag ni Dennis, "Marami kaming na-experience dito na kalamidad, e. Bagyo, lindol, inabutan kami ng lindol sa Ilocos habang nagshu-shoot kami. Madaling araw, nandoon kami sa gitna ng Calle Crisologo, mayroon kaming kukunan na mahabang eksena kaso lang biglang lumindol."

Ayon naman kay Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, ang kanilang layunin ay ituro ang kasaysayan at mga aral nito sa bagong henerasyon sa pamamagitan ng masayang paraan.

Aniya, "History is so important talaga to all of us Filipinos. These two books, Noli and Fili, are [two] of the greatest books of our culture, 'di ba? Written by our national hero."

"And we want, especially the young ones, to really appreciate it and the lessons that these two books taught us but we will make it fun for them. So, that's what going to be different, we will make learning history fun for everybody, especially for our young audience."

Bukod kina Barbie, Julie Anne, at Dennis, mapapanood rin sa Maria Clara at Ibarra sina Tirso Cruz III, Manilyn Reynes, Juan Rodrigo, Rocco Nacino, David Licauco, Juancho Trivino, Ces Quesada, Dennis Padilla, Lou Veloso, Gilleth Sandico, Karenina Haniel, at Andrea Torres.

Abangan ang world premiere ng Maria Clara at Ibarra sa October 3 sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

SAMANTALA, NARITO ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS NG MARIA CLARA AT IBARRA: