
Bumibida ang Sparkle actress na si Barbie Forteza sa comedy-drama film na Kontrabida Academy, na kasalukuyang napapanood sa streaming platform na Netflix.
Nakasama ng Kapuso star sa naturang pelikula ang seasoned actress at comedienne na si Eugene Domingo, na gumaganap bilang Mauricia.
Talagang inabangan ng mga manonood ang Kontrabida Academy at kasalukuyan itong number 1 na movie sa Netflix Philippines.
Bukod dito, marami rin ang pumuri sa ganda ng kuwento ng pelikula, star-studded cast, at sa mahusay na pagganap ni Barbie bilang Gigi/Gia.
PHOTO COURTESY: X
Bukod kina Barbie Forteza at Eugene Domingo, kabilang din sa Kontrabida Academy sina Carmina Villarroel, Jameson Blake, Ysabel Ortega, Xyriel Manabat, Michael De Mesa, at Yasser Marta.
TINGNAN ANG ACTING RANGE NI BARBIE FORTEZA SA GALLERY NA ITO.