
Very excited ang Kapuso actress na si Barbie Forteza na makatrabaho ang award-winning '90s stars na sina Carmina Villarroel, John Estrada at Glydel Mercado sa bago nilang show na pinamagatang Kara Mia.
Ang bagong drama fantasy ay iikot sa mundo ni Kara na ipinanganak na may dalawang mukha . Si Barbie si Kara at si Mika Dela Cruz naman si Mia.
“I'm looking forward to start taping kasi halos lahat ng makakatrabaho ko rito, first time ko lang makaka-work,” saad ni Barbie pagkatapos ng storycon ng kanilang programa kahapon, November 7, sa GMA Network Center.
“Sobrang excited na akong makatrabaho sina Ms. Carmina Villarroel, Mr. John Estrada, at Ms. Glydel Mercado kasi dati napapanuod ko lang sila tapos ngayon magulang ko na sila,” dagdag pa niya.
Makakasama rin ni Barbie sa Dalawang Mukha ni Guadalupe si Jak Roberto.
Abangan ang pagbabalik telebisyon ni Barbie, malapit na sa GMA!