What's on TV

Barbie Forteza, excited nang ipalabas ang mga pasabog na eksena sa 'Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday'

By Felix Ilaya
Published September 25, 2020 4:16 PM PHT
Updated September 25, 2020 4:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

barbie forteza on anak ni waray vs anak ni biday


Sunud-sunod na maiinit na kumprontasyon at matitinding rebelasyon ang dapat abangan sa pagbabalik ng 'Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday,' ayon sa lead star nito na si Barbie Forteza.

Kasalukuyang naka-lock in taping ang cast ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday para sa nalalapit na pagbabalik nito sa telebisyon.

Sa aming Kapuso Showbiz News interview sa lead star nito na si Barbie Forteza, ikinuwento ng Kapuso Primetime Princess na talagang na-miss niya ang pag-arte, lalo na sa mga matitinding eksena ng kanilang serye.

Aniya, "Actually, mayroon isang eksena, mabigat kasi siya, revelation scene siya, one of the many revelation scenes.

"'Tapos maraming eksena din siya eh, tatlo o apat na eksenang magkakasunod, 'four-hog' ang tawag namin.

"'Tapos after noon, kinausap ako ni Direk Mark (Dela Cruz), sabi niya 'Beh, na-miss mo umarte noh?' Kasi parang andami kong ginawa sa apat na eksenang 'yon na wala naman talaga sa script.

"Pero 'yon, nakakatuwa lang kasi na-miss ko 'yung ganoon. 'Yung talagang going with the flow of the scene, 'yung madadala ka sa eksena.

"Parang nawala sa isip namin 'yung pandemic na nangyayari, parang bumalik kami lahat sa storya. Ang sarap sa feeling, napaka-fulfilling niya."

It was nothing like I expected. (buwis buhay teh!) But the whole experience was definitely one for the books. I super enjoyed the 4x4 ride at Sand Dunes with Caitlyn @valdezkate_ during our shoot for #AnakniWarayvsAnakniBiday watch out for it soon on #GMAPrimetime 📸 : @cannu

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza) on

Dagdag pa ni Barbie, nagustuhan niya rin ang panibagong setup nila para sa kanilang new normal lock-in taping dahil mas determinado raw silang lahat sa set na matapos ang kanilang trabaho nang mabilis at maayos.

"Dahil din naman sa bigat ng mga eksena, para sa'kin, nakakatulong na mas dire-deretso 'yung trabaho para hindi kami nare-relax talaga as actors.

"[As for] Pros and cons, siguro ang consequence na naiisip ko lang is we're all away from our families, from our loved ones.

"Pero aside from that, lahat pros kasi lahat tutok sa trabaho, walang petiks-petiks, walang nagpapahinga, lahat gutom magtrabaho, lahat naka-focus sa storya, lahat iisa ang goal, matapos nang maaga, lahat ino-observe ang social distancing, lahat laging naka-santize pero lahat masaya.

"Walang pressure, walang bigat off-cam, and masaya kasi para kaming naka-Survivor Philippines, 'yung talaga sinong unang mapapagod. Although, masaya, masaya siya," wika ng aktres.

Nahinto ang kuwento ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday sa parteng nalaman na ni Caitlyn (Kate Valdez) na ang best friend niyang si Ginalyn (Barbie Forteza) ang babaeng napupusuan ng ex niyang si Cocoy (Migo Adecer).

Sa pagbabalik ng Kapuso drama na ito sa ere, tiyak na sunud-sunod na revelations at matitinding confrontations ang ating mapapanood muli sa GMA Telebabad.