
Iginugol ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza ang buong buwan ng September para sa "self-care."
Ang self-care ay ang paggawa ng iba't ibang activities o pagbuo ng good habits para mapangalagaan ang physical, mental, at emotional health ng isang tao, ma-manage ang stress, at makaiwas sa sakit.
Nag-focus daw muna si Barbie ng mga activities na fun at meaningful sa personal niyang buhay ngayong buwan.4
"The first week of Septemer, I spent with myself talaga. I went back to running, played tennis, I tried Pilates with Ivana (Alawi). I tried a couple of cafes that i see on TikTok. Ang dami! Ang dami ko na agad nagagawa," paggunita ng aktres.
Malaki daw kaagad ang impact ng mga simpleng gawaing ito sa buhay niya.
"My heart is so happy. I am so fulfilled right now," ani Barbie.
Fresh pa si Barbie sa tagumpay ng Neflix original movie na Kontrabida Academy kasama ang premyadong actress at komedyanteng si Eugene Domingo.
Umani si Barbie ng maraming papuri dahil sa pagganap niya dito bilang isang kontrabida protege.
Lubos daw niyang na-enjoy role dahil iba ito kumpara sa mga tipikal na ginagampanan niyang mga karakter.
"Sobrang saya gumanap bilang isang kontrabida. Pero para sa akin naman kahit na anong klaseng role o papel, masarap gampanan kasi nga lahat may puso at saka lahat talaga ay very relatable and very relevant," lahad ni Barbie.
Panoorin ang buong ulat ni Athena Imperial para sa 24 Oras sa video sa itaas.