Celebrity Life

Barbie Forteza, hindi inaasahan ang pagkakapanalo sa Cinemalaya X

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 2, 2020 4:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Raffy Tulfo expresses concern over NAIA Terminal 1 ceiling collapse
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News



Isang Kapuso artist ang nagpamalas ng kakaibang galing sa Cinemalaya X para sa kanyang pelikulang ‘Mariquina’. Binigyang buhay ang karakter na batang Imelda, si Barbie Forteza ang napiling Best Supporting Actress ngayong taon. 
By ANN CHARMAINE AQUINO
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Isang Kapuso artist ang nagpamalas ng kakaibang galing sa Cinemalaya X para sa kanyang pelikulang ‘Mariquina’. Ang young star na si Barbie Forteza ang gumanap bilang young Imelda, isa sa mga karakter na nagmarka sa Cinemalaya entries ngayong taon kaya naman nakuha niya ang titulong Best Supporting Actress.

Nagbigay ang GMA Artist Center ng isang surprise para kay Barbie habang siya ay nasa set ng The Half Sisters, at dito nakakuha ng exclusive interview ang GMANetwork.com para sa kanyang pagkakapanalo sa Cinemalaya X.

Pahayag ni Barbie, “Napaka-unexpected talaga. ‘Eto totoo ito, walang halong ka-plastikan 'to. Kasi nga ang gagaling ng mga kasama sa Cinemalaya entries. Na naging parte lang nga ako ng Cinemalaya, okay na sa akin 'yun. Enough na 'yun para sa akin na na-experience ko na mag-trabaho sa Cinemalaya”.

“Tapos na-recognize pa nila ako, na-appreciate nila 'yung nagawa ko, na 'di ko talaga inaasahan. Sobrang gagaling talaga. Kaya nagpapasalamat ako sa Cinemalaya, sa Mariquina, ang pelikula namin,” dagdag pa niya.

Kuwento ni Barbie, nag-audition sa kanyang role na Imelda.

“Nag-audition ako doon kaya nagpapasalamat ako sa direktor namin, Direk Milo. Thank you sa tiwala, sa pagpili sa akin. At sa lahat ng bumubuo ng Mariquina, para sa atin ang award na 'yun”.

Para kay Barbie, hindi mahalaga kung mainstream or indie ang kanyang proyekto. Ang mahalaga ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para sa mga manonood.

Aniya, “'Yun naman ang goal ko palagi. Hindi ko naman po talaga ipinipilit na kaya ko ginagawa ito kasi gusto ko ng award. Wala ako agad doon sa part na 'yun. Gusto ko muna ng magandang outcome. Gusto ko muna na hindi ko pagsisihan ang bagay na ginawa ko, kasi ibinigay ko naman lahat.”