Article Inside Page
Showbiz News
Sa pangalawang pagkakataon ay magkakatrabahong muli sina Barbie at Thea sa 'The Half Sisters'. Ano ba ang dapat abangan sa panibagong handog ng Afternoon Prime ng GMA?
By AL KENDRICK NOGUERA
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Next week na ipapalabas ang
The Half Sisters, ang teleseryeng pagbibidahan nina Kapuso actors Barbie Forteza at Thea Tolentino. Sila ang gaganap sa magkakambal na characters nina Diana at Ashley Alcantara.
Sa pangalawang pagkakataon ay magkakatrabahong muli sina Barbie at Thea. Unang beses silang nagsama sa remake ng hit-teleserye na
AnnaKarenNina noong nakaraang taon. Si Barbie ang gumanap sa role ni Karen samantalang sa bandang dulo na ng istorya pumasok ang character ni Thea na si Angel. Tulad sa
AnnaKarenNina, kontrabida rin ang magiging role ni Thea sa
The Half Sisters.
Sa aming interview kay Barbie, sinabi niyang thankful siya dahil si Thea ang mang-aapi sa kanya sa bago niyang show. Kahit paano daw ay kakilala niya si Thea at magaan na ang loob niya rito. “Nagpapasalamat naman ako kasi hindi ako mahihirapan na maging komportable kay Thea,” aniya.
Dagdag pa niya, “Ang hirap 'di ba kapag nagtatrabaho ka tapos may pressure, may tension. Walang ganoon sa 'min ni Thea. Okay na okay kami.”
Bukod pa rito, nakadagdag daw sa pagiging mabuti ng kanilang working relationship ang kanilang hometown. Pahayag niya, “Since parehas pa kami ng pinaggalingan, parehas kaming taga-Laguna so marami kaming napag-uusapan.”
Dahil pareho silang bida sa
The Half Sisters, marami ang nagsasabing na baka magkaroon ng kompetisyon sa kanilang dalawa. Pero paliwanag ni Barbie, hindi niya raw nakikitang may ganoong mangyayari sa pagitan nila ni Thea. Naniniwala raw siya na walang pataasan at sapawang magaganap.
Sa istorya ng
The Half Sisters, si Ashley (Thea) ang mang-aapi kay Diana (Barbie). Kaya naman ayon kay Barbie, i-expect na raw ng mga manonood ang salpukan nila ni Thea. Pero linaw niya, kadalasan ay si Thea lang ang mananakit sa kanya dahil hindi lumalaban ang kanyang character.
Nang kumustahin namin ang first scenes ng dalawa, sinabi ni Barbie na kahit intense ang eksena nila ni Thea ay hindi naman siya natatakot na masaktan nito. “Magaan naman ang kamay ni Thea. 'Yung best effort niya ng pananakit [ay] hindi pa rin ganoong kasakit. Kaya okay lang,” saad niya.
Abangan ang mga sabunutan at sampalan nina Barbie Forteza at Thea Tolentino sa
The Half Sisters, ngayong June 9 na pagkatapos ng
Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.