What's on TV

Barbie Forteza, humanga sa kanyang 'Regal Studio Presents: My Birthday Wish' co-star na si Royce Cabrera

By Marah Ruiz
Published October 22, 2021 12:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dagan sa Panahon atong Sayran | Balitang Bisdak
Trump says Putin has been invited to join Board of Peace
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza and Royce Cabrera


Nag-enjoy raw si Barbie Forteza na makatrabaho si Royce Cabrera na co-star niya sa 'Regal Studio Presents: My Birthday Wish.'

Unang beses nagtambal sina Kapuso stars Barbie Forteza at Royce Cabrera sa "My Birthday Wish," ang upcoming telemovie special ng Regal Studio Presents.


Sa kuwento, gaganap si Barbie bilang housewife na si Joanna na mabibigyan ng pambihirang pagkakataon na bumalik sa nakaraan.

Gagamitin niya ang pagkakataong ito para bumawi sa mga mga opportunity na na-miss niya noon.

Pero kaakibat ng mga pagbabagong ito, maaapektuhan din ang relasyon ni Joanna sa kanyang asawang si James, ang karakter naman ni Royce.

"First time kong makakakatrabaho si Royce Cabrera. Napanood ko na 'yung kanyang indie film sa Cinemalaya before. Ang galing niya doon. Napaka natural niya doon," kuwento ni Barbie sa Kapuso Brigade Zoomustahan na ginanap noong October 20.

Ikinatuwa rin ni Barbie na minsan nang nakatrabaho ni Royce ang kanyang boyfriend na si Kapuso actor Jak Roberto.

"Napanood ko rin siya sa episode ni Jak na sa Magpakailanman na 'Fishergays.' Si Royce 'yung partner ni Jak doon. This time, ako naman ang partner ni Royce," biro niya.

Kahit daw unang beses pa lang nilang nagtambal, lubos siyang nag-enjoy na makatrabaho si Royce.

"It was such a joy working with him because he's such a genuine person. Ang dali niya katrabaho kasi wala siyang ka-showbiz-an sa katawan. Totoo at nagpapakatotoo siya, tahimik, may respeto sa mga katrabhao niya, masaya kausap, may sense kausap, palabiro at 'pag nagbibiro, laging havey. Ang sayang ka-work," paglalarawan niya sa kanyang co-star.

Bukod kina Barbie at Royce, bahagi rin ng episode sina Julian Roxas at Sarah Edwards.

Tunghayan ang unang tambalan nina Barbie at Royce sa "My Birthday Wish" sa Regal Studio Presents, October 24, 4:35 p.m. sa GMA.

Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: