Celebrity Life

Barbie Forteza, Jak Roberto have a special Christmas gift exchange

By Nherz Almo
Published December 26, 2018 10:59 AM PHT
Updated December 26, 2018 11:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Barbie Forteza at Jak Roberto, nag-exchange gifts pa rin ngayong Pasko.

Hindi binigo ng magkasintahang Barbie Forteza at Jak Roberto ang mga naghihintay na matuloy ang kanilang exchange gifts ngayong Pasko.

Barbie Forteza and Jak Roberto
Barbie Forteza and Jak Roberto

Ito ay sa kabila ng unang pahayag ng Kapuso actress na bawal muna sila magpalitan ng regalo ng kaniyang boyfriend at kapuwa Kapuso star.

Ang balitang ito ay umani ng ilang nakatutuwang reaksiyon mula sa netizens.

Sa katunayan, bago ang Pasko ang sumakay din sa biruan ang magkasintahang Barbie at Jak sa biruang ito.

Bago matapos ang araw ng Pasko, hindi nakatiis ang dalawa at tinuloy pa rin nina Barbie at Jak ang kanilang exchange gifts.

Sa Twitter video na in-upload ng aktres, tinanong niya ang kaniyang boyfriend, “Alam mo ba kung ano ang exchange gift ko sa 'yo?”

Nang tanungin ni Jak kung ano, binigyan siya ni Barbie ng isang halik sa pisngi.

Binigyan din ng binatang aktor ng halik sa pisngi ang kaniyang girlfriend.

Mapapansin na sinakyan lang ng dalawa ang biruan tungkol sa kanila dahil sa caption, ginamit pa ni Barbie ang “JakBieExchangeGift.”

Abangan muling pagsasasama nina Barbie at Jak sa bagong teleserye ng GMA, ang Kara Mia, sa 2019.