What's Hot

Barbie Forteza, kinumpirmang malaki ang itinulong ng 'The Half Sisters' sa kanyang career

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 2, 2020 5:20 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Labi ng OFW na nakitang patay sa kaniyang kuwarto sa Abu Dhabi, naiuwi na sa Iloilo
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Normal naman na makaramdam ng pagkalungkot pero mas masaya namang binitawan ni Barbie ang Afternoon Prime soap.


By AL KENDRICK NOGUERA, Interview by GIA ALLANA SORIANO

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

After almost two years, nagpaalam na rin sa telebisyon ang 'The Half Sisters.' Magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman ng isa sa bida ng show sa Barbie Forteza.

READ: Barbie Forteza, pinasalamatan ang mga nakasama sa 'The Half Sisters'

Normal naman na makaramdam ng pagkalungkot pero mas masaya namang binitawan ni Barbie ang Afternoon Prime soap.

WATCH: The Half Sisters' finale

Ayon kay Barbie, malaki ang naging role ng 'The Half Sisters' sa kanyang showbiz career. "Napakalaking bagay [ng show] kasi 'pag lumalabas ako, kahit maliliit na bata [hanggang sa] mga lola, ang tawag sa 'kin [ay] Diana," saad niya.

Hindi inasahan ni Barbie na marami ang makakakilala sa kanya dahil kung ikukumpara sa iba, bago pa lamang siya sa industriya. Aniya, "Nakakatuwa kasi kahit teen actress pa lang ako, ang [lawak ng] range ng mga taong nakaka-recognize sa 'kin at nakaka-appreciate ng ginagawa ko."

Dahil sa feedback ng viewers, lalo raw ginanahan umarte si Barbie. "Nakaka-inspire lalo magtrabaho," pagtatapos niya.

Abangan si Barbie sa bago niyang show na That's My Amboy, ngayong January 25 na sa GMA Telebabad.

READ: Barbie Forteza, very excited na makatrabahong muli si Andre Paras