GMA Logo Barbie Forteza and Kyline Alcantara in Its Showtime
What's on TV

Barbie Forteza, Kyline Alcantara, 'rejected' ng 'Escort of Appeals' contestant?

By Kristine Kang
Published July 2, 2025 11:17 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza and Kyline Alcantara in Its Showtime


Isa na namang araw puno ng tawanan sa 'It's Showtime'!

Panibagong araw, panibagong segment sa It's Showtime!

Matapos ang malakasang tapatan kahapon sa “Breaking Muse,” pagkakataon naman ng mga lalaking may kompiyansa sa sarili na i-flex ang kanilang confident looks sa bagong segment na “Escort of Appeals.”

Nitong Martes (July 1), ipinakilala ng hosts ang nakakatuwang kompetisyon kung saan babasagin ang tradisyunal na pamantayan ng kagwapuhan.

Unang ipinakilala ang escort heartthrob ng Brgy. 7, Lucena City, Quezon na si Jeremy Grimaldo.

Sunod namang bumida ang James Reid look-alike raw ng Brgy. 182, Caloocan City na si Joven Reyes.

"Ang sarap pakinggan at maramdaman ang kompyansa nila sa sarili. Empowered na empowered sila," masayang sinabi ni Vice Ganda.

Ang naging hurado ng segment ay ang Beauty Empire stars na sina Barbie Forteza at Kyline Alcantara. Kasama rin sa mga magagandang judges ang sexy social media star na si Toni Fowler.

Todo aliw ang board of members sa dalawang kandidato, lalo na't tila may nabubuong love team sa pagitan nina Joven at Barbie!

Nang tanungin kung sinong aktres ang gusto niyang magsabing “gwapo” siya, diretsong pinili ni Joven ang Kapuso Primetime Princess.

"Para sa akin si Ms. Barbie 'yung papantay sa standard ko bilang pogi," sagot ni Joven, na ikina-kilig ng studio.

"Barbie, baka kinikilig ka na," asar ni Vhong Navarro.

"Si Barbie nakakuha ng bagong love team," dagdag ng Unkabogable Star.

Pero ang kilig at tawanan, napalitan ng "sakit" sa sinabi ni Joven.

"Unahan ko na po kayo, Ms. Barbie. Sorry po, hanggang kaibigan lang po mabibigay ko sa'yo,"

Sagot naman ni Barbie, "Nako, sayang naman. Pero salamat sinabi mo agad. At least makakauwi ako nang buhay."

Tuloy ang tawanan ng madlang people nang nagbigay naman ng reaksyon si Kyline sa pagpili ni Joven kay Barbie.

"May sakit. Kasi nakikita ko 'yung kagwapuhan niya na parang, 'Ba't hindi ako? Ba't si Barbie?' May sakit," sinabi niya.

Mas tumawa ang lahat nang biglang hirit ng Kapuso star, "Pero may relief naman. Joke lang!"

Sumali rin sa kulitan si Toni na diretsang pinasalamatan pa niya ang rejection ni Joven.

"Sa ngayon, masaya ako. Salamat po," ngiting sinabi niya.

Ang asaran ay nagpatuloy pa hanggang sa nagbigay ng komento ang judges sa mga kandidato.

"Kita ko sa mata ni Barbie, sincerely talagang parang nagugustuhan niya si [Joven]," biro ng Unkabogable Star.

"May konti. Konti na lang po talaga may inis na rin pong kasama," hirit ni Barbie.

"Akala ko ire-request niya sa management, 'Dapat ito 'yung love team ko next time,'" dagdag ulit ni Vice.

Sa huli, itinanghal na daily winner ng “Escort of Appeals” si Jeremy Grimaldo mula sa Brgy. 7, Lucena City, Quezon.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Samantala, balikan ang kulitan sa "Escort of Appeals" dito: