GMA Logo Barbie Forteza
Courtesy: @barbaraforteza on Instagram (left photo)/Center Stage Productions (right photo)
What's Hot

Barbie Forteza, nagbalik-tanaw sa kanyang showbiz journey para sa 'Until She Remembers'

By Nherz Almo
Published February 12, 2026 6:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

3rd Trillion Peso March in Iloilo City set on Feb. 25
Lawmaker questions ship owner on locked life jackets on M/V Trisha Kerstin 3
Alden Richards, grateful for Wonderful Moments Music Festival support

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza


Barbie Forteza, naka-relate sa kanyang karakter sa 'Until She Remembers': 'May mga times na lost din ako. Hinanap ko rin talaga ang puwesto ko sa industriya.'

Kapansin-pansin na nagmukhang teenager si Barbie Forteza sa kanyang role bilang Angel sa Until She Remembers.

Sa media conference ng pelikula noong Martes, February 10, nabanggit ni Barbie na galing siya sa GMA Prime series na Beauty Empire kaya maiksi ang kanyang buhok sa pelikula. Nakatulong daw ang ideya ng direktor nilang si Brillante Mendoza na maglagay ng bangs para mas bata siyang tingnan.

Bukod dito, binigyang-pansin din ng Kapuso Primetime Princess ang naging pakikitungo sa kanya ng co-actor kaya raw maayos niyang nagampanan ang kanyang role.

“Pinakamalaking tulong din po yung treatment sa akin ng co-actors even direk, na they really treated me like a kid. Ang trato po talaga nila sa akin ay bagets, so parang nakalimutan ko na nagbabayad ako ng tax. 'Ay, bagets siya, wala siyang problem.'”

Para naman sa kanyang mismong pag-arte, nagbalik-tanaw si Barbie sa kanyang mga karanasan sa showbiz noong nagsisimula pa lamang siya.

Paliwanag niya, “Siguro malaking tulong din na nagsimula ako sa industriya nang bata. So, binalikan ko lang yung experience kong yun, how I was.

“Kasi, ako naman din as a young actor back then, noong 10 years old pa ako, hindi naman ako na I had it all figured out. May mga times na lost din ako. Hinanap ko rin talaga ang puwesto ko sa industriya.

“Binalikan ko yung experience kong yun para makatulong sa character.”

Sa Until She Remembers, gaganap si Barbie bilang Angel na apo ni Concha, na gagampanan ng batikang aktres na si Charo Santos-Concio.

Sa hangaring mabigyan ng saysay at kapayapaan ang mga huling araw ng kanyang lola, hahanapin ng bata si Catherine (Boots Anson Roa-Rodrigo). Sa kasamaang palad, matatagpuan niya ito nang may Alzheimer's Disease na. Hindi na maalala ni Catherine ang kanilang nakaraan, maging ang babaeng minahal siya nang lubos.

Dahil sa pelikula, napa-reflect daw si Barbie sa naging relasyon niya sa kanyang grandparents.

Kuwento niya, “Yung biggest realization ko of doing this film is spending more time with grandparents talaga. Kasi, si Nanay Mercy ko na lang po ang nabubuhay sa grandparents ko. Ang na-realize ko sa pelikulang ito, sana nakapag-bond ako nang mas maraming panahon sa aking lolo at lola.

“Siguro, kahit bata pa ako noon, I would have a much better perspective of life. Kasi, di po ba, sila yung pinagdaanan na yung maraming karanasan. Siguro kahit noong bata ako, mas maaga akong namulat kung mas matagal akong nakapag-spend ng time with them, na hindi ko na maibabalik, sadly.”

Tunghayan ang kuwento ni Angel at ng kanyang Lola Concha sa Until She Remembers, na ipalalabas sa mg sinehan simula February 25.

Samantala, tingnan ang celebrities na lumaki sa kanilang lolo at lola: