
Mapapakuwento si Barbie Forteza tungkol sa love life nila ni Jak Roberto at pati na ang ibang isyung kinasangkutan ng aktres sa pagbisita niya sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) ngayong Linggo, January 24.
Dahil si Barbie ang special guest sa TBATS, hindi makakaiwas ang Kapuso actress mula sa intriguing at controversial questions nina Boobay at Tekla.
Sa pagsalang niya sa segment na 'May Pa-Presscon,' ibabahagi niya ang kanyang dream wedding, aaminin niya kung si Jak na nga ba ang nakikita niyang pakakasalan, at sasagutin din niya ang isyung binasted niya noon si Ruru Madrid.
Pagsabak naman ni Barbie sa 'Roleta ng Kadramahan' ay ipapakita ng aktres ang kanyang husay sa impersonation bilang si Kissy Anino. Makakaeksena niya dito ang The Mema Squad na kinabibilangan nina Pepita Curtis, Skelly Clarkson, Jessa Chichirita at Boobsie Wonderland.
Si Barbie rin ang parehong makakasama ng fun-tastic duo sa larong 'Don't English Me.'
Panoorin:
Tuloy-tuloy ang laugh trip kahit may krisis! Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, January 24, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!
Samantala, silipin kung bakit nangunguna sina Boobay at Tekla sa komedya sa gallery na ito: