GMA Logo Barbie Forteza
What's on TV

Barbie Forteza, maraming natutunan sa lock-in taping ng 'Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday'

By Bianca Geli
Published January 15, 2021 1:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza


Ano nga ba ang nagustuhan ni Barbie Forteza sa kanilang lock-in taping para sa 'Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday?'

Matapos ang mahigit kumulang tatlong linggong lock-in taping para sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday, ibinahagi ni Barbie Forteza kung ano ang pinaka-na-appreciate niya sa kanilang taping sa new normal.

Ang buong cast at crew ay sumailalim sa COVID-19 swab test bago mag-taping sa isang hotel sa loob ng ilang linggo.

Kilalanin ang cast ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday:

Kuwento ni Barbie sa virtual media conference ng Anak Ni Waray Vs Anak Ni Biday noong January 14, "Noong pinaguusapan pa lang namin, nakaka-challenge. It was very challenging for all of us pero surprisingly since hinimay himay naman namin 'yung guidelines bago kami tumungtong sa set tapos prior to the actual taping nakailan kaming script readings. Feeling ko as an actor nakatulong din siya sa akin para bumalik sa kondisyon 'yung emotions ko.

Naging mas tutok daw silang lahat sa trabaho dahil mas nakakapag-rehearse sila ng cast para sa eksena ng sabay sabay.

"Para lahat kami alam na 'yung flow kasi nakapag script reading na kami. Ayun, parang nakatulong siya sa'kin. Siguro ang naging adjustment ko lang 'pag mismong eksena na, tapos medyo mabigat 'yung emosyon, kailangan kang i-comfort.

"Magiging mindful ka dahil bawal kang hawakan, doon mo iisipin kung kailangan bang yakapin, kasi baka naman ika-sacrifice nung eksena kung hindi mo ginawa."

Dagdag pa niya, "So 'yung mga ganung bagay na ipinapalabas pa rin namin na walang pandemic sa show. Entertainment is an escape sa mga nangayayari sa buhay. Pati rin kami minsan nawawala kami sa sarili sa eksena nadadala lang kami ng emosyon namin."

Magandang adjustment ito sa amin as actors. Alam namin na in three weeks dapat ito lang. Hindi ka mare-relax kasi hindi ka uuwi. Walang ibang makakausap. Overall, good adjustment naman siya for me," saad ni Barbie.

"Ma-ho-homesick ka lang kasi medyo matagal kang mawawala sa family mo pero, ayun, okay naman siya sa akin."

Abangan ang pagbabalik ni Barbie Forteza sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday ngayong Pebrero sa GMA Telebabad.