GMA Logo Barbie Forteza
Photo: GMA Pictures
What's Hot

Barbie Forteza, may babala sa mga manonood ng 'P77'

By Aaron Brennt Eusebio
Published July 25, 2025 6:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, easterlies to bring rain, cloudy skies over parts of PH
Alleged DI member wanted for murder, frustrated murder killed in clash
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza


Barbie Forteza sa mga manonood ng 'P77': "Patay na 'yung ilaw tapos iisipin mo pa rin 'yung mga eksena."

"It's that type of horror movie that will haunt you in your sleep."

Ito ang naging pahayag ng aktres na si Barbie Forteza sa kanyang upcoming mind-bending horror movie na P77.

Sa panayam ni Nelson Canlas sa 24 Oras, sinabi ni Barbie na P77 ang pelikulang talagang katatakutan ng mga manonood, lalo na't 'pag patay na ang ilaw bago sila matulog.

Dugtong niya, "'Yung patay na 'yung ilaw tapos iisipin mo pa rin 'yung mga eksena na napanood mo sa 'P77.'"

P77 rin ang unang horror movie ng GMA Pictures matapos ang 14 taon.

Saad ni GMA Pictures President and GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes, "Gusto nating magbigay ng kakaiba sa mga manonood. Siyempre 'pag nanood ng horror, talagang nandoon 'yung takot, pero iba 'yung atake ng pelikulang ito."

Mapapanood ang P77 sa mga sinehan sa buong bansa simula July 30.