GMA Logo barbie forteza
Image Source: jakroberto (Instagram)
What's on TV

Barbie Forteza, may isang kondisyon para maging fiancé si Jak Roberto

By Nherz Almo
Published July 23, 2022 4:34 PM PHT
Updated July 24, 2022 11:56 AM PHT

Around GMA

Around GMA

SEA Games: Sibol Women dethrone Indonesia to reach Mobile Legends finals
Tight security at ports, terminals in W. Visayas for the holidays
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

barbie forteza


"Perfect na lahat... Yun na lang." Ano kaya ang kondisyon ni Barbie Forteza para maging fiancé si Jak Roberto? Alamin dito:

Almost perfect na pala para maging fiancé ni Barbie Forteza ang kanyang longtime boyfriend na si Jak Roberto.

Sa nakaraang July 17 episode ng All-Out Sundays, kung saan sabay na ipinagdiwang ang kaarawan nina Barbie at Rayver, sinabi ng huli na approved nang maging fiancé maliban sa isang kondisyon.

"I think, dapat may ipon," sabay tawa si Barbie nang sagutin ang tanong ng co-host niyang si Christian Bautista.

Patuloy pa niya, "Yun lang. Bukod dun, wala na, perfect na lahat. Approved na. Yun na lang, ipon na lang."

At dahil birthday bash ito para kina Rayver at Barbie, may special video na inihanda ang programa mula sa kanyang number one "basher" na si Jak.

Dito, binuking ni Bolera actor ang isa sa mga ugali ng kanyang girlfriend.

Ani Jak, "Alam n'yo, guys, si Barbie, madali lang naman pasayahin 'yan, e, as in. Alam n'yo kung paano? Kailangan makarating lang kaagad sa kanya yung delivery ng pagkain. Kasi kung hindi, ako na ang kakagatin niyan. Di ba, Madam?"

Hindi naman ikinapikon ni Barbie ang ibinunyag ng kanyang boyfriend of five years. Sa halip, biro niya, "Di naman ako na-offend. Na-excite ako sa kagat part."

Samantala, nasa naturang programa rin ang mga naging on-screen partner ni Barbie na sina Ken Chan, Kristoffer Martin, Nikki Co, at Rob Gomez. Nagbigay sila ng mga paalala kay Jak tungkol kay Barbie, na magdiriwang ng kanyang ika-24 na kaarawan sa July 31.

Sabi ni Nikki, na nakasama ni Barbie sa Mano Po Legacy: The Family Fortune, "Tingin ko, Jak, marami kang kaagaw diyan kay Barbie, so kailangan ingatan mo siya. Sa tingin ko naman, mahal ninyo ang isa't isa."

Inilahad naman ni Rob ang obserbasyon niya tungkol kay Barbie nang magkasama sila sa set sa Mano Po Legacy. "Isa sa mga napansin ko kay Barbie ay napakabilis niyang makatulog. Sobrang bilis makatulog, as in, pagkatapos namin sa isang eksena, pagkakita ko sa kanya, nakahiga na siya agad. So, Jak, alam mo naman 'to siguro, kape lang, kape."

Payo naman ni Ken, isa sa mga naging leading man ni Barbie sa Meant To Be, kailangang gumising nang maaga palagi ni Jak.

"Feeling ko alam naman ito ni Jak, for sure. Si Barbie kasi mahilig sa taho. So, dapat si Jak dapat umaga pa lang gising na siya para abangan si manong magtataho para yun ang breakfast mo," sabi niya.

Bilang panghuli, sinabi ni Kristoffer kay Jak na titibay ang loob niya sa piling ni Barbie.

"Ako, sa sampung taon nating pagkakaibigan o higit na, consistent 'yan from day one, pranka po siya, opo. Feeling ko, ang gwapo ko na noong araw na 'yon, 'Ano meron sa mukha natin mumsh?' Feeling ko, confident na ako. Pero Jak, tibayan mo lang. Training 'yon kasi lalakas ka sa mga bashers. Siya po talaga yung totoong basher."

Panoorin ang kabuuan ng birthday bash ng All-Out Sundays para kina Barbie at Rayver dito:

TINGNAN ANG KILIG PHOTOS NINA JAK AT BARBIE RITO: