GMA Logo Barbie Forteza in Pulang Araw
Source: melle.studioph/barbaraforteza (Instagram)
What's on TV

Barbie Forteza, may kakaibang paghahanda para sa 'Pulang Araw'

By Jimboy Napoles
Published May 20, 2024 2:26 PM PHT
Updated July 3, 2024 3:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza in Pulang Araw


Gaganap si Barbie Forteza bilang isang Vaudeville performer sa biggest TV drama ng taon na 'Pulang Araw.'

Kasado na ang bagong seryeng pagbibidahan ng Primetime TV Drama Actress of the Year na si Barbie Forteza na Pulang Araw, kasama sina Sanya Lopez, David Licauco, Alden Richards, at Dennis Trillo.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Barbie Forteza, nagkuwento ang aktres tungkol sa kaniyang role sa serye bilang si Adelina na isang Filipina Vaudeville performer noong panahon ng Japanese occupation sa Pilipinas, at kapatid nina Teresita at Eduardo na ginagampanan naman nina Sanya Lopez at Alden Richards.

“Ang pinakanagustuhan ko sa character ko dito sa Pulang Araw ay 'yung mga dress ko. Charot! Ang cute kasi 'di ba? Ang cutie cutie. Little girl,” biro niya noong una.

Paglilinaw niya, “Hindi, ang saya napakaganda ng buong istorya, napakaganda ng proyekto, talagang tungkol talaga siya sa totoong mga karanasan nating mga Pilipino nung nag-World War ll.

“Bukod doon ay bibigyan natin sila ng entertainment at doon papasok ang aming Vaudeville hindi ba? At bago pa magkaroon ng digmaan ay magkakaroon na agad ng mabibigat na eksena within the family. Siyempre kuwento ito ng pag-ibig, pag-ibig sa kapatid, sa pamilya, sa bayan at siyempre sa karelasyon.”

Nagkuwento rin si Barbie Forteza tungkol sa training nila ni Sanya Lopez ng tap dancing na malaking bahagi ng kanilang role sa series bilang Vaudeville performers.

Aniya, “Kapag may bakanteng schedule nag ta-tap dance class kami para nga 'di ba mas mukhang legit kapag ginawa na namin siya and kami talaga kasi 'yung gagawa so gusto namin talagang mabigyan ng justice 'yung performances namin sa Vaudeville.”

Ayon pa kay Barbie, kahit pa may pagkakatulad ang karakter niyang si Adelina sa kaniyang totoong buhay, naging mabusisi pa rin ang kaniyang paghahanda para sa role na ito, kung saan nanonood pa siya ng mga pelikula na may pagkakahawig sa kaniyang gagampanang karakter.

“Ang similarity naman ng character ni Adelina kay Barbie ay ang kanyang pagiging bubbly at ang preparation ko dito…ako kasi kapag nag preprepare ako o nagki-create ako ng character bukod siyempre sa pinagkukunan kong reference 'yung mga character sketch na ibinibigay sa akin, mahilig akong manood ng mga pelikula or I like watching my favorite actresses na associated doon sa character na ibinigay sa akin para mas visual 'di ba, para mas maintindihan ko rin 'yung character,” anang aktres.

Dagdag pa niya, “So ang ginagawa ko, binabasa ko muna 'yung script, binabasa ko muna 'yung character sketch and then I'll think or I'll research a movie that is pretty similar to that, may it be character wise or story wise para din even then one says and the feels di ba of the character kahit papaano ay makuha ko hopefully.”

Ang Pulang Araw ay sa ilalim ng direksyon ni Dominic Zapata at sa panulat ni Suzette Doctolero.


RELATED GALLERY: All of Barbie Forteza's 25 Kapuso teleseryes