
Good learning experience para sa Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza ang makatrabaho ang award-winning director na si Brillante Mendoza para sa pelikulang “Until She Remembers.”
Nakasama ng versatile Sparkle talent ang ilan sa mahuhusay na artista sa show business tulad ng seasoned actresses na sina Charo Santos-Concio at Boots Anson-Roa-Rodrigo.
Sa panayam sa kaniya ng filmmakers na sina Antoinette Jadaone at JP Habac sa 'Ang Walang Kwentang Podcast,' ikinuwento niya ang directing style ni Direk Brillante.
“'Yung istorya ganito, character mo ganito. Okay? Okay!”
Sabay sabi ni Barbie, “Walang script, wala siyang binigay chinika niya lang… Walang script, all throughout the film, walang script,” na siyang ikinagulat Direk Antoinette.
Sumunod na sinabi ng Kapuso actress, “'Yun ang working style ni Direk Brillante Mendoza.”
Tanong naman ni Direk Antoinette, “Meron lang sigurong outline?”
Pabirong hirit ng Sparkle talent, “Yes, pero siguro nasa close friends niya.”
Ayon kay Barbie, lahat ng ginawa niya ay improvisation. Pagbabalik-tanaw niya sa shooting ng Until She Remembers. “Basta ang sabi niya, ayaw niyang nagpe-prepare 'yung artista. Basta, come as you are ganiyan. May araw na, [tinanong ko], 'Direk, ano gagawin natin?”
Instruction naman sa kaniya ng internationally-acclaimed director, “Sasakay ka sa bus, 'tapos aabot yan hanggang EDSA. Baba ka, 'tapos cut ako du'n'.”
“Saan po 'to galing Direk?” tanong ni Barbie sa sinabi sa kanya ng direktor.
“Bahala ka, kasi ang explanation niya is tayong mga totoong tao. Hindi natin alam ang mangyayari in the next five minutes 'di ba! So, 'yun ang gusto niya. Talagang, raw 'yung lahat ng reaksyon mo.
“Hindi ka naman laging nag-sasalita, so, hindi siya nag-provide ng lines, kasi it will make it parang masyadong acting. Ayaw niya talaga ng 'acting.'”
Kasama rin ni Barbie sa cast ng Until She Remembers sina Eric Quizon, Vince Rillon, Erlinda Villalobos, Carlitos Sigiuon-Reyna, at Perla Bautista. Ipapalabas ang pelikula sa darating na February 25.
RELATED CONTENT: Barbie Forteza reminisces her 'Sparkle Moments'