GMA Logo barbie forteza
Source: barbaraforteza/IG
What's Hot

Barbie Forteza, na-challenge sa 'Until She Remembers' dahil walang script

By Kristian Eric Javier
Published January 28, 2026 3:21 PM PHT
Updated January 28, 2026 3:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kate Valdez, in-unfollow si Fumiya Sankai sa Instagram
DPWH chief checks rehab on segment of Metro Cebu Expressway
FPJ Sa G! Flicks: 'Alas... Hari at Sota' | Teaser

Article Inside Page


Showbiz News

barbie forteza


Level-up ang magiging performance ni Barbie Forteza sa kaniyang upcoming film na 'Until She Remembers.'

Naging malaking hamon para kay Barbie Forteza ang pagganap niya sa kaniyang role sa upcoming movie niya na Until She Remembers sa direksyon ni Brillante Mendoza.

Sa pagbisita ni Barbie sa Unang Hirit nitong Miyerkules, January 28, ibinahagi niyang walang script ang upcoming film nila, kaya naging malaking hamon ito para sa kaniya.

“Challenging siya overall kasi ang aming napakahusay na direktor na si Brillante Mendoza ay wala pong script,” sabi ng aktres.

Pagbabahagi ng Kapuso Primetime Princess, ang tanging binibigay lang sa kanila ay kung ano ang mangyayari sa eksena. Lahat umano ng dialogue ay galing sa kanilang mga aktor.

“One take lang si direk. Ang explanation niya kaya wala siyang script kasi gusto niya, 'no acting acting' talaga and very raw ang reactions and emotions ng mga actors,” sabi ni Barbie.

Dagdag pa ng aktres, “So gusto niya, 'yung reaction mo habang nangyayari yung eksena, ganun din talaga 'yung mangyayari sa totoong buhay.”

TINGNAN ANG ILANG SPARKLE MOMENTS NI BARBIE SA GALLERY NA ITO:

Gagampanan ni Barbie ang role ni Angel, isang 16-year-old na unti-unting natututo tungkol sa iba't ibang uri ng pagmamahal, kabilang na ang sa kaniyang lola na ginampanan naman ni Charo Santos.

Makakasama rin nila sa pelikula ang star-studded cast na sina Boots Anson-Roa, Angel Aquino, Albert Martinez, Eric Quizon, at Vince Rillon.

Mapapanood ang pelikula sa mga sinehan ngayong February 25.

Panoorin ang panayam kay Barbie dito: