GMA Logo Barbie Forteza and Tirso Cruz III
What's on TV

Barbie Forteza, naapektuhan sa eksena nila ni Tirso Cruz III sa 'Maria Clara at Ibarra'

By Marah Ruiz
Published October 3, 2022 1:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan to bring cloudy skies, light rain over Luzon
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza and Tirso Cruz III


Naapektuhan daw si Barbie Forteza sa isang eksena nila ni Tirso Cruz III sa 'Maria Clara at Ibarra.' Ayon sa aktres, "Isa 'yun sa mga hindi ko makakalimutan."

Masaya si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza sa mga makakatrabaho niya sa upcoming historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Una na niyang ibinahagi na lubos ang tuwa niya nang makatrabaho na sa isang serye ang dream leading man niya na si Kapuso Drama King Dennis Trillo, pati na ang mabuting kaibigan na si Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose.

Lalong nadagdagan ang tuwa ni Barbie dahil makakatrabaho rin niya si ang veteran at award-winning actor na si Tirso Cruz III.

"Paborito ko 'yung eksana with Mr. Tirso Cruz III. It was our first scene together. Although hindi pa talaga 'yung magka-eksena na magka- dialogue, pero first encounter namin. Very heavy, very sad 'yung eksenang 'yun," kuwento ni Barbie sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com.

Hindi raw niya inasahang madadala siya sa partikular na eksenang ito.

"Noong bina-block kasi namin siya, very casual tapos na-surprise ako na noong nag-take na kami, sobra 'kong naapektuhan. Naapektuhan ako doon sa eksenang 'yun, surprisingly," paggunita niya.

Sa Maria Clara at Ibarra, gumaganap si Barbie bilang Klay, ang Gen Z nursing student na napadpad sa mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibuesterismo ni Jose Rizal habang si Tirso naman ay ang mapang-aping prayle na si Padre Damaso.

"'Yun 'yung isa sa mga gusto ko talaga--'yung hindi ko inaasahan na maapektuhan ako. May mga eksena kasi na mabigat, kailangan mong mag- actor's cue. May mga eksena naman na mabibigla ka na maapektuhan ka, not just doon sa eksena pero sa ka-eksena mo, 'yung flow noong eksena. Isa 'yun sa mga hindi ko makakalimutan," lahad ni Barbie.

Bukod kay Tirso, masaya din si Barbie na ma-reunite kay singer-actress Manilyn Reynes. Gaganap si Manilyn bilang nanay ni Klay na si Narsing, isang battered wife.


"Natutuwa ako kasi kung hindi ako nagkakamali, pangatlong beses na naming magiging mag-nanay ni Ms. Manilyn Reynes. Grabe no, favorite nanay," ani Barbie.

Matatandaang gumanap nang mag-ina sina Barbie at Manilyn sa primetime series na Meant To Be at Inday Will Always Love You.

"Sobrang nakakatuwa, very charming, very sweet on set, very maalaga. Totoong totoo 'yung pagka-nanay niya sa akin," paglalarawan niya tungkol sa aktres.

Abangan si Barbie Forteza bilang Klay sa world premiere ng Maria Clara at Ibarra ngayong October 3, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

SILIPIN DIN ANG EXCLUSIVE BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA MARIA CLARA AT IBARRA DITO: