
Buong pusong tinanggap ng Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza ang challenge na gumanap ng two roles sa upcoming episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko.
Kung napanood n'yo siya sa action-packed story na "Captain Barbie" noon, ngayon ay gaganap siya bilang Gen Z na si Scarlet at great grandmother nito na si Luningning.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa award-winning actress, ibinahagi niya kung paano niya binuo ang two roles niya sa 'Lelang & Me.'
Kuwento niya, “Na-excite ako, kasi first time ko gaganap ng dalawang characters, magkaibang characters from different generations. So sabi ko, 'Aba okay to, sige tara gawin natin.'
“Tapos nag-bigay din ako ng konting-konti lang na character input for Scarlet and Luningning.
“For Scarlet bukod sa Gen Z siya, siya 'yung present time na character. Sabi ko, 'Paano ko siya maiiba from Barbie? So ang ginawa ko, talagang very conyo, rich kid type of Gen Z na babae. Medyo maarte magsalita,
“Natuwa naman ako sa pagkakagawa ko, personally nai-intimidate ako sa mga ganung tao, so nakakatuwa lang na naging character reference ko sila ngayon.”
Naging character peg naman niya sa role na Luningning ang 2018 film na 'Miss Granny' na pinagbidahan ni Sarah Geronimo.
Dagdag ni Barbie, “As Luningning naman, talagang ginawa ko namang character reference, medyo konting Miss Granny, Sarah Geronimo as Miss Granny, very deep tagalog din talaga. So, 'yung tono very theatrical sabi ni Direk Rico [Gutierrez], medyo OA na luma ganun.”
Hindi rin daw biro na mag-portray ng two roles for this special episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko, dahil kailangan niya maipakita 'yung major contrast ng mga ito.
Pagbabalik-tanaw ng Sparkle artist, “Talagang makikita n'yo ['yung difference]. Hopefully, sana nagawa ko.
“In-effort-an ko talaga 'yung characterization kasi nung nabasa ko 'yung script, 80 percent of the time ako at ako 'din lang 'yung ka-eksena ko, si Scarlet at si Luningning. So, ang ginoal ko talaga ay maiba ko 'yung atake for each character para makita 'yung difference.”
May isang tao rin daw siya na-miss si Barbie Forteza nang gumanap siya bilang Luningning na malapit sa puso niya.
“Natuwa ako kasi, na-enjoy ko siya surprisingly parang for a time naramdaman ko na parang lola ko, ako 'yung ganun.
“Parang naalala ko [at] na-miss ko 'yung lola ko, si Lola Mercy, na-miss ko siya bigla. So ganun, parang ganito 'yung thinking pala ng mas nakakatanada sa atin, mga lola natin, 'di ba? Very conservative, very different from 'yung mindset ng mga kabataan ngayon.”
Abangan ang all-new story na "Lelang & Me" sa Daig Kayo Ng Lola Ko, bukas ng gabi, after ng 24 Oras Weekend.