
Na-put on the spot si Barbie Forteza sa nagdaang Sparkle Spell halloween party nang dumating ang kaniyang boyfriend si Jak Roberto at on-screen partner na si David Licauco, na parehong nakabihis bilang si Roronoa Zoro mula sa live action series na One Piece.
Sa interview ni David kay Nelson Canlas, na umere sa "Chika Minute" ng 24 Oras noong October 23, sinabi ng Maging Sino Ka Man actor na naapili niya ang costume nang may nagsabi sa kaniyang kamukha niya ang karakter “nang very slight.”
Ganito rin daw ang nakuhang komento ni Jak habang nag-iisip ng kanyang magiging costume.
“Nung sinabi sa 'kin na mag-Zoro ka na lang kasi parang hawig mo yata 'yung bida,' so klinaim ko na," sabi ng The Missing Husband actor.
Nang hingan ito ng reaksyon tungkol sa apat pang stars na nagbihis ng parehong character kabilang na si David, ang sagot ni Jak, “Nakita ko nga kanina sa soc med. Ibig sabihin, sobrang trend talaga nung [character]. Ano 'to, Zoro Multi-verse.”
At ang naging reaksyon ni Barbie sa costumes nina Jak at David, “Alam mo, tawang-tawa ako sa kanilang dalawa. Parang nag-usap sila.”
TINGNAN ANG MGA CELEBRITIES NA MAY "FABULOUSLY FRIGHTENING" LOOK SA SPARKLE SPELL DITO:
Kapansin-pansin din ang costumes ng ilang mga dumalo sa event dahil sa pagiging witty at clever nila. Isa na rito ang social media personality na si Sassa Gurl, na mula sa pagiging isang online seller last year ay dumating bilang bulaklak ng patay ngayong taon.
Tila live tarpaulin naman ang naging costume ng social media star na si Pipay, samantalang ang Sparkle star na si Derrick Monasterio, dumating sa event bilang isang Spartan warrior, sakay ng isang kabayo.
Komento ni GMA Network Inc Senior Vice President Atty Annette Gozon-Valdez, ay talagang na-excite ang mga Sparkle artists sa Sparkle Spell ngayong taon.
“Nakita ko ýung isa, dumating ng nakakabayo! Grabe, level up,” sabi nito.