
Viral ngayon sa social media ang isang clip mula sa latest vlog ni Ivana Alawi, kung saan nagkaroon siya ng Japanese mukbang kasama ang kanyang pamilya.
Sa nasabing vlog, sinagot ng sexy actress/vlogger, kasama ang kanyang ina at dalawang kapatid, ang ilang mga tanong mula sa netizens habang sila ay kumakain.
Tampok sa kumakalat na clip sa social media ngayon ang Sparkle artist na si Barbie Forteza, na ani Ivana ay "nicest GMA artist" na nakatrabaho niya.
Ayon kay Ivana, maraming nagmaldita sa kanya noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz pero si Barbie ang nagpakita sa kanya ng kabaitan.
Bahagi ni Ivana, "Ang pinakamabait sa 'kin na hindi ko malilimutan, 'di ko pa s'ya nakakausap after, si Barbie Forteza kasi s'ya ay sobrang bait, totoo talaga s'ya kaya super blessed n'ya because she really has a good heart.
Nag-react naman ang Maging Sino Ka Man star sa magagandang salitang binitawan ni Ivana para magpasalamat dito.
"Grabe naman to. Maraming salamat, @IvanaAlawi so happy for all your success. Ingat kayo ni Mona Hi po tita! ," post ni Barbie sa Twitter.
Grabe naman to. Maraming salamat, @IvanaAlawi 🙏🏻 so happy for all your success. Ingat kayo ni Mona 😇 Hi po tita! 🥰 https://t.co/TOpWoMdfSC
-- Barbie Forteza (@dealwithBARBIE) July 19, 2023
Nakasama ni Barbie si Ivana sa teen-oriented series na Tween Hearts (2011) kung saan gumanap ito sa isang supporting role. Mariel Rey pa noon ang screen name ni Ivana.
Noong 2015, sumali si Ivana sa StarStruck season six kung saan nagtapos siya bilang top 22 contestant.
Naging parte rin siya ng GMA Artist Center (Sparkle ngayon) mula 2015 hanggang 2017 at nagkaroon ng ilang proyekto sa GMA.
Si Ivana ay nakatatandang kapatid ng dating child star na si Mona Louise Rey, na kilala na ngayon bilang Mona Alawi.
TINGNAN ANG SISTERLY BOND NINA IVANA AT MONA DITO: