
Naging bukas ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza na pag-usapan ang mga naranasan niya nang mas lalo pa siyang ng sumikat dahil sa pagganap niya sa trending at high-rating primetime series na Maria Clara at Ibarra.
Maraming showbiz experts ang nagsabing nagningning pa nang husto ang career ni Barbie dahil sa mainit na pagtanggap ng publiko sa love team nila ng tinaguriang Pambansang Ginoo na si David Licauco o mas kilala bilang BarDa.
Source: Luis Manzano (YT)
Sa exclusive interview ng Sparkle prime actress sa 'Luis Listens' vlog ni Luis Manzano, umamin si Barbie na “overwhelming” na maraming tao ang nakatutok sa bawat galaw niya.
Sinabi rin ng award-winning Kapuso talent na pati personal niyang buhay ay pinanghihimasukan na rin ng ibang tao.
“Noong una na-overwhelm ako, to the point na kinailangan ko puntahan ang kapatid ko sa Chicago. Para sa akin, masyadong naging overwhelming. Parang nakakalunod masyado," kuwento ni Barbie kay Luis.
Patuloy niya, "I mean, I really like the attention, the recognition. Pero siyempre, kasabay nun 'yung masyadong lahat parang naging critic.
“Kahit hindi na sa pag-arte, 'yung personal mong buhay parang tinuturuan ka nila kung paano ka mabuhay. Just because, kilala nila ako sa Maria Clara at Ibarra 'yung ganun. So, parang sa akin, nalunod ako for a time, so I had to leave nagbakasyon ako sa kapatid ko sa Amerika, kasama nung mga pamangkin ko.”
Dagdag pa niya, “I've been in the industry for 15 years. 'Tapos, parang nagkakaroon ako ng highs and lows, career rise, hindi ba? Pero nung high times ko dati, hindi naman ganitong level. Masaya, hindi ganito na nanghihimasok sa personal na buhay.
“Ibang level na kasi ngayon, e. Lalo na with social media 'di ba parang lahat they all have the power to say what they want.”
TINGNAN ANG MEMORABLE TELESERYE ROLES NI BARBIE RITO:
Matatandaan na noong Marso ay binisita ni Barbie ang kapatid niya sa Chicago at inilarawan niya ang bakasyon na ito na “therapeutic.”
Paliwanag niya, “Sobrang therapeutic sa akin nung trip na 'yun. Kasi, pagbalik ko pare-parehas pa rin naman 'yung sinasabi sa akin. Pare-parehas pa rin 'yung tingin ng mga tao sa akin, pero mas naging maluwag na 'yung paghinga ko.”
Panoorin ang kabuuan ng panayam ni Luis kay Barbie rito:
Inanunsyo na magiging parte si Barbie ng higanteng historical drama na Pulang Araw kung saan makakasama niya sina David, Sanya Lopez at Asia's multimedia Star Alden Richards.