
“Please be kind to me.”
Ito ang nakangiting pakiusap ni Barbie Forteza sa kanyang fans, na kilala bilang Barbienatics, nang makasama niya ang mga ito sa “Pasabog na Chika” ng All-Out Sundays nitong Linggo, September 14.
Sa segment na ito ay nagkaroon ng pagkakataon ang avid fans ni Barbie na makalaro siya at matanong ng juicy questions.
Pagkakita sa mga maglalarong fans, sabi ni Barbie, “Naku, yung mga pinili ninyo, my God, masyado nila akong kilala. Bakit sila? Bakit?!”
Paalala pa niya, “Guys, live 'to ha.”
Para sa unang pagkakataon, tinanong ng fan na si Yen, “Barbie, since you are in your running era, ang tanong namin, e, kung tatakbo ka, sino ang gusto mong makita agad pagtawid mo sa finish line, na isang lalaking hindi mo kadugo?”
Natawa ang Beauty Empire actress, “Gusto ko yung nilinaw niya yung isang lalaking hindi ko kadugo kasi baka daddy ko nga naman ang isagot ko. Ang brainy.”
At sumagot siya, “Siyempre, lahat ng katakbo ko para lahat kami mag-celebrate talaga sa effort na tumakbo. Hindi lang lalaki, pati nanay, tatay, gusto mo tinapay.”
Ang sumunod na fan, tinanong si Barbie kung sino ang pinakatumatak sa mga kontrabidang nakatrabho niya.
Sagot ni Barbie, “Naku, napakarami, pero yung pinakauna na lang, si Ms. Jean Garcia, sa Stairway to Heaven.
Related gallery: Barbie Forteza and her running era
Samantala, nabanggit ni Barbie sa isa pa niyang fan, “Feeling ko nasa ano ako ngayon, nasa Lover Era.”
Nang maghiyawan ang audience, agad niyang sinabi, “In general! Di ba, may kanta na,” pero agad siyang pinigilan mag-explain.
“Ah walang explanation? E di walang explanation!” sambit niya.
Mas juicy pa ang naging tanong ng sumunod na fan: “Totoo bang may nagpapasaya sa 'yo ngayon na JB?”
Hindi ito direktang sinagot ni Barbie. Sa halip, sinabi niya, “Masarap maging masaya!”
Panoorin ang kabuuan ng All-Out Sundays segment dito: