GMA Logo barbie forteza
Source: barbaraforteza/IG
Celebrity Life

Barbie Forteza on her self-care era: I'm having the time of my life

By Kristian Eric Javier
Published June 28, 2025 10:28 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Pope calls for 'just and lasting peace' after meeting Ukraine's Zelenskiy
2 Kapuso classroom na ipinatayo ng GMA Kapuso Foundation sa Ubay Central 3 ES, pinasinayaan na | 24 Oras
NCAA: Key stats shaping San Beda-Letran Season 101 rivalry FinalsĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

barbie forteza


Alamin kung papaano inaalagaan ngayon ni Barbie Forteza ang kaniyang sarili.

Ginulat ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza ang kaniyang fans at netizens nang ipagupit niya ang kaniyang long hair para maging short bob cut.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, June 27, sinabi ni Barbie na bahagi ito ng kaniyang role sa upcoming GMA Prime series na Beauty Empire.

Kuwento ni Barbie kay King of Talk Boy Abunda, isang buwan bago nagsimula ang taping nila ay napag-usapan na ang pagpapagupit ng aktres. Tinanong ngbatikang host kung may resistance siya noong una sa pagpapagupit, ang sagot ng Kapuso Primetime Princess, “Wala po.”

Paliwanag ni Barbie, “Nu'ng nalaman ko po 'yung character ko at yung story ng Beauty Empire, sabi ko, 'Noreen deserves a new look.' Dapat hindi n'yo makita si Barbie.”

Ayon pa sa aktres, paborito niya ang genre ng kanilang upcoming serye na isang “murder-mystery, family-revenge drama.” Dahil kilala si Barbie kanyang mahabang buhok, isang paraan aniya ang pagpapagupit para mabago ang image at mas maipakita ang pagiging edgy ng kaniyang karakter.

“So, parang masyadong kailangan edgy, in a way, very different dapat, coming out of the box, stepping out of my comfort zone, and what better way to do that than to fashion a new hair, 'di ba?” sabi ni Barbie.

TINGNAN ANG ILANG LITRATO NA NAGPAPATUNAY NA ANG SHORT HAIR NI BARBIE ANG KANIYANG BAGONG GLAM LOOK SA GALLERY NA ITO:

Bukod sa kaniyang new hairdo, tuloy-tuloy pa rin si Barbie sa kaniyang pagtakbo, na iniliarawan niya bilang kaniyang “escape from reality.”

“Para sa 'kin, 'pag alam kong tatakbo ako, ang focus ko lang is on my pace, distance, time. So, talagang limot ko 'yung mga iniisip ko sa trabaho ganyan, 'yung showbiz, ganiyan,” sabi ng aktres.

At dahil ilan sa mga fun run na dinaluhan niya ay para sa charity events, nagpahayag ng kaniyang tuwa ang Kapuso actress na nagagamit niya ang kaniyang new found hobby para makatulong sa iba.

Dahil dito, masasabi umani ni Barbie na nasa kaniyang self-love era na siya, isang bagay na talagang na-e-enjoy niya.

“When I say I'm in my self-love era, it's more of really enjoying my time and really prioritizing myself at kung ano talaga 'yung gusto kong gawin, na nagagawa ko na ngayon. I feel like I'm having the time of my life ngayon,” sabi ni Barbie.

Pagpapatuloy pa ng aktres, “When I say I am enjoying my time, it's more like meron akong malaking responsibilidad na nagampanan ko na para sa akin at para sa pamilya ko. So ngayon, ako naman.”